7 years later....Stella's POV
Congratulations!!!
I was so surprised nang pagbukas ko ng pinto ng condo ko ay ito ang naabutan ko..
Si Mama, Papa, ate Sandra, ate Serena at ang dalawa kong bff 😊. Ang sabi nila kasi sa akin ay uuwi na sila pagkatapos ng concert at heto pala at nauna pa sila sa condo ko at nagpa cater ng food.
This is my third major concert, dalawa sa MOA Arena at isa sa Araneta. Kaya hindi ko talaga nakakalimutan mag give back sa mga fans ko at mag pasalamat sa kanila at kay Lord dahil sa sobra-sobrang blessing na natatanggap ko.
"Parang familiar ang eksenang to ah😊. Thank you!" at isa-isa ko silang niyakap.
"Proud na proud kamo sayo anak" naluluhang sabi ni papa.
5 years ago nang pinatigil ko na sa pag tatrabaho si papa, malaki na kasi ang kinikita ko that time at maganda rin ang mga trabaho ng mga ate ko, sapat na para magpahinga si papa at mag enjoy sila sa buhay ni mama. Twice a year din kami nagbabakasyon sa ibang bansa, our parents deserves the best!😊
"Ooppss tito bawal po mag emote papangit po kayo niyan!" Natawa kaming lahat sa sinabi ni France.
"Oh siya, kumain na tayo" sabi ni Mama na natatawa parin dahil hinaharot ni Papa😂
Pagkatapos nun ay kumain na rin kaming lahat, may victory party din kasi na inihanda ang Star Center for me pero hindi rin ako nagtagal dahil pagod na talaga ako.
Pagkatapos naming kumain ay sina ate na raw ang bahala magligpit ng lahat, while si Mama at Papa naman ay nagpapahinga sa sala habang nanunuod ng tv, ang sweet nila😍. Pero bigla akong natigilan, pumasok na naman siya sa isip ko. Erase, erase!
"Huwag na kayong umuwi ha, dito na kayo matulog" sabi ko kay Mae at France, nandito kami ngayon sa kwarto ko.
"Oo naman, kami pa ba? And besides magkakatabi lang kaya ang unit natin!" si Mae.
Natawa kaming tatlo😂, oo nga naman paglipat ko kasi dito ay sumunod din tong dalawa dahil ayaw daw nila akong malungkot at pinagpapasalamat ko yun dahil baka ma buang ako kapag lagi akong mag-isa. 3 years na kami dito😊
"By the way, tumawag sakin ang branch manager natin sa SM Fairview, she told me na may nawawala daw sa stocks ng " Stella lipstick", pupunta ako dun bukas" imbyernang sabi ni France.
Yes you heard it right, meron na kaming negosyo😊. 4 years ago nang tinayo namin ang "FMS Beauty". Naging sobrang hit ito sa madla dahil ako ang naging model😉 tapos ay kinuha din naming model ang ibang friends ko sa showbiz kaya heto, as of now ay meron na kaming 30 branches nationwide sa loob lang ng 4 years. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangang mag-artista at mag focus nalang sa negosyo namin dahil malaki na ang perang pumapasok sa aming tatlo pero may contract pa ako sa sa SC, I'm planning to ask Jemma to give me kahit 2 months break lang.
"Ako nalang kaya France" matagal narin kasi ang huling beses na naging hands on ako sa business namin, lagi nalang akong busy dahil maliban sa pagkanta ay pinasok ko rin ang pag-arte.
"Huwag na girl, I can handle it😉"
"Yes Stel, kaya na yan ni France"
"Sorry ha, hayaan nyo kapag na approve ang hinihingi kong break ay babawi ako sa inyo" naiiyak kong sabi.
"Hay ang drama mo girl!" At ayun, niyakap nila ako. Paano nalang kaya ako kapag wala silang lahat sa tabi ko?
"Stel, may nasagap akong balita".
"Bakit ano yun Mae?" nagtatakang tanong ko, pati si France ay napukaw din ang interes.
"Heto ha, I heard this sa mga chismosa na sale's lady natin, any time from now daw ay baka babalik si Dominic dito!"
Nagulantang kami ni France sa balita ni Mae😱. Si Dominic, babalik na...
Kung gaano ako ka blessed ay sobra-sobra pa dun ang tinatamasa ni Dominic ngayon. He's now known as "DOM" yan ang ginagamit niyang name Internationally. Sikat na sikat na siya around the globe! Ang kanta niya ay laging number 1 sa billboard charts. This is the fruit of my sacrifice. Kung naging makasarili ako noon ay hindi maaabot ni Dominic ang mga pangarap niya kaya imbes na magsisi pa ay pinili ko nalang tingnan ang mga bagay in a positive way.
"Uy girl! Tulaley ka na diyan" tinapik-tapik pa ni France ang mukha ko.
"H-hindi no!"
"Hindi daw, eh bakit ka nanlalamig?" si Mae na hinawakan ang palad ko.
"Hay nako, matulog na nga tayo! I'm so tired na" pagtatapos ko ng usapan, wala na rin nagawa ang dalawa. Hindi ako handang pag-usapan siya, at mas lalong hindi ako handang makita siya.
-----------------------
"Oh anak, ang aga mo naman yatang aalis" nag-aalalang sabi ni Mama. Nagluluto ito ng breakfast, tulog pa ata ang lahat maliban sa amin.
"Yes Ma, I need to go to SC now, may aasikasuhin lang po ako."
"Hindi ka na ba mag-aalmusal anak?"
"Hindi na Ma, hindi pa nga yata natutunaw ang kinain ko kagabe eh😊"
"Oh siya sige, ipagluluto nalabg kita ng paborito mo tapos e initin mo nalang pagdating mo ha, uuwi din kami mamaya".
"Ok ma, thank you!" pagkatapos kong magmano kay Mama ay umalis na rin ako. Ayokong ma traffic dahil baka hindi ko maabutan si Ma'am Claire, para sa hinihingi kong 2 months na rest.
Binuksan ko ang stereo ng kotse ko and song ni Dominic pa talaga ang bumungad sa akin😧, intro palang ng song alam kong siya na.
"You're the sunshine in my winter,
The only reason I survived,
You're the best I ever had,
In this cold and lonely life.
But now you're just a picture slowly fading.
Youre the one that got a way..."Natigilan ako, is this his new song? Ngayon ko palang to narinig, at ang lyrics.... A-ako kaya ang tinutukoy niya?
"Omg, omg!" Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na pansin na naka green na pala ang stoplight! Nabangga ko ang kotseng nasa harap ko!
Agad akong bumaba nang makita kong bumaba rin ang naka uniform ng blue polo na driver.
"Naku manong sorry talaga ha! Don't worry magbabayad ako ng damages!" Meron kasing konting scratch sa likod ng magarang kotse.
"Hala, kilala kita Ma'am ah, ikaw si Stella Racal!" bulalas ng driver, at aba fan ko pa ata ito😅. "Idol ka po ng buong family namin Ma'am!"
"Mang Ronnie, matagal pa ba yan? Let's go, I'm almost late na sa appointment ko."
Sabi nang lalaki na nasa passenger sit, bahagya lang naka bukas ang bintana ng magsalita ito but yung boses niya...Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko, hindi ako pwedeng magkamali! Those voice I longed to hear and hunted me in my dreams for 7 years!
"Ok po, sir Dom! Ah Ma'am Stella, ok na po hindi ka naman sisingilin ni Sir dahil sobrang bait nun at ubod ng yaman! Oh sige po" paalam sa akin ni manong driver.
Naiwan akong nakatulala sa gitna ng daan..
He's back!
------------------
Hi sa inyo!!!!! Thank you for reading! Sorry if may makita kayong typos ha.
By the way, yung song ni Dominic is gawa-gawa ko lang, kayo na po bahala mag lagay ng melody😊 Sala-much!

YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
Roman d'amourHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?