Chapter 27

602 30 12
                                    


Stella's POV

I'm so depressed!

Tatlong araw na akong hindi lumalabas, walang ganang kumain at naging hobby na ang pag-iyak😭

Palaisipan parin sa akin hanggang ngayon ang lahat ng sinabi ni Dominic. Ilang ulit na kaming nagkita pero hindi naman siya ganon ka galit. Oo nga at hindi niya ako pinapansin pero ibang-iba na siya that night.

Nagulat ako nang may mag salita sa intercom.

"Ma'am Stella? I just want to inform you that you have a handful of mails arrived just this morning, please get it in your most convenient time thank you!"

Malamang mga monthly bills ko yun. Sandali lang at kukunin ko sa lobby.

Pagbaba ko ay ang nakangiti ng si Alex ang bumungad sa akin, siya kasi ang incharge dito.

"Ma'am Stella, buti at bumaba na po kayo, akala ko po kasi kung napano na kayo. Tinanong ko pa nga si Sir Freddie kung nakita niya  CCTV kung nakalabas ka ng kwarto mo pero wala eh kaya inistorbo na kita para bumaba ka na Ma'am" nag-aalalang sabi nito. Nakita niya kasing lugmok na lugmok ako pag-uwi namin dito galing sa bar.

That's why I feel safe sa lugar na to, bukod sa tadtad ng CCTV ay sensitive ang mga staff sa paligid nila.

"Sorry Alex, nilubos-lubos ko na kasi ang pahinga ko😊"

"Ah ganun po ba😊. Heto na po pala ang mga mails nyo Ma'am"

At marami nga talaga, ang iba siguro ay galing sa fans ko.

"Sige Alex, babalik na ako sa taas and don't worry about me,  wala sa isip ko mag suicide😉" ngumiti ito ng alanganin, hindi man niya sabihin ay yun talaga ang nasa isip niya.

Pagdating ko sa unit ko ay isa-isa kong tiningnan ang mga sulat. Mamaya ko na babasahin ang letters from my fans. Mayroong tatlong invitation from SC, para sa Annual Ball.

Every year ay pumupunta kami sa Star Center Annual Ball, kasama si France at Mae. Sabi ko kasi dati kay Ma'am Claire na kapag hindi ko kasama ang dalawa ay hindi ako aatend kaya ayun every year ay kasama ko na sila😊

But now I don't feel like going. Alam kong invited din si Dominic at ayokong makita siya😔

Isang envelope ang natira, walang sulat kung kanino galing. Naintriga ako kaya binuksan ko agad-agad.

Nagulat ako sa nakita ko...
Mga pictures ko with different artist na nakasama ko either sa movies and music videos ko😱. Ang galing ng pagkuha nito dahil lahat ay nagpapakita ng sweet gestures. Mayroong nakahilig ako sa balikat ng partner ko, merong nagtitigan kami at naghoholding hands and yung eksena ko sa music video na parang maghahalikan kami ng partner ko dun pero hindi naman kami nagkiss!

S-sino ang kumuha ng lahat ng to?!
May napansin akong maliit na papel at kinuha ko.

Sirang-sira ka na kay Dominic! All he know now is that your a whore, hahaha!
Bitch!

Natutop ko ang mga kamay sa bibig ko, anong ibig sabihin nito? May sumira sa akin kay Dominic? Sino?

--------------------

"What the heck!"
"What the fuck!"

Sabay na bulalas ni Mae at France nang makita nila ang mga pictures at mabasa ang maliit na papel na yun.

"Stel, e report na natin to sa police!" Kinakabahang sabi ni Mae.

"Pero bago yan ay ipa-review natin ang CCTV para malaman kung sino ang nagdala ng sulat na yan dito" si France na tiningnan ulit ang mga pictures.

"Girl, kami na bahala ni Mae mag trace kung sino man ang nagpadala nito, huwag mo nang e-stress ang sarili mo dito. Itong si Dominic, ang tanga naman niya dahil naniwala siya sa kung sinong naninira sayo😠" inis na sabi ni France

"Oo nga, akala ko ba mahal ka niya? Bakit siya naniwala sa kung sino mang demonyo na to!" Beast mode na rin Mae.

"Excuse me! It's not mahal kundi minahal, past tense na dahil kung talagang mahal niya parin si Stella ay hindi siya maniniwala sa mga ito"

I have to agree with France, hindi na ako mahal ni Dominic lalo na ngayon na akala niya isa akong masamang babae.

"Basta Stel, huwag ka na masyadong mag-isip tungkol dito. Gagawin namin lahat ni France para malaman kung sino ang sa likod nito"

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil nandito na ang mga super friends ko. Wala naman kasi akong balak na ipaalam to sa pamilya ko😔

----------------------

France's POV

Humanda talaga sakin kung sino man ang gumawa nito sa maganda naming kaibigan! Ah este, pangit na pala dahil mugto ang mata at bumagsak pa ang pangangatawan. Hay naku😧

Detective mode ako ngayon😉. Nandito ako ngayon sa isang developing studio. Kung hindi ba naman kasi tanga tong  kontrabida na to ay bakit nagpa develop pa siya sa labas kung pwede naman sa printer nalang niya😂 yan tuloy nalaman ko kung saan siya nagpa develop.

Konteng lagay lang to kay kuya siguradong makukuha ko agad ang impormasyong kailangan ko😈

-------------------------

Mae's POV

Kung detective mode si France, ako din syempre!
I'm here sa CCTV viewing room ng condo.

Tinanong ko si Alex kung natatandaan niya kung anong oras niya natanggap ang specific na sulat na yun. Mag between 8am to 9am.

Pina stop ko kay Sir Fred ang video nang may makita akong kahina-hinalang tao na naka black hood. At timing naman na nagawi ang mukha nito sa isang CCTV.

"Sir Fred, paki stop and zoom in po"

Ayun binggo! Ang high end talaga ng CCTV dito sa condo dahil ang linaw ng mukha ng salarin. Ikaw pala yan bitch! You'll pay for what you've done😈

-----------------------

Stella's POV

Kakatawag lang ni Jemma at pinipilit ako na umattend ng Annual Ball. Sinabi ko nalang pag-iisipan ko para matapos na ang usapan.

Ilang sandali pa ay nag pop out ang head ng chat group naming tatlo, binuksan ko message nila at...oh hindi!

Si France ay nag send nga picture ng resibo na may name ni Elaine at si Mae naman ay picture na kuha mula sa CCTV, kahit hindi buong mukha ang kuha sa picture na yun dahil sa hood niya ay klarong-klarong si Elaine nga!😱

Naikuyom ko ang kamao, ngayon galit na galit na ako! Humanda ka saking babae ka!







-------------------

Hi readers! Oh hayan ha, buking agad si Elaine. Kawawa nga dahil ginawa ko talagang tatanga-tangang kontrabida ang babaeng yun
😂

Kung tutuusin mabait naman si Elaine kaso na obsessed kay Dominic.

Btw, abangan niyo kung pupunta ba talaga yung tatlo sa SC Annual Ball. Thank you sa pagtangkilik😊 Godbless you all!

I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now