Stella's POV
Nasaan ako?
Kakagising ko lang, pakiramdam ko ay ang tagal ko nang natutulog. Nilibot ko ang paningin sa paligid, nasa isang kwarto ako..hindi parang sa isang hotel. Ang sosyal naman yatang mga kidnappers yun.
Speaking of kidnappers, biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyari kanina, si Dominic!! Hindi to pwede hindi talaga! Kailangang makaalis ako dito!
Sinapo ko ang maliit na umbok sa tiyan ko. Ok ka lang ba baby? Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong makakaalis tayo dito at alam kong ililigtas tayo ng daddy mo pero paano kung may masamang nangyari kay Dominic? Lord huwag naman sana please!
Sa sobrang frustration ay napaiyak nalang ako. Sinong may kagagawan nito? Baka si Elaine or si Jessica? Sa sobrang pagka desperate ng mga yun hindi malayong sila ang may kagagawan nito 😡, pero wala naman akong katibayan na sila nga at nakulong na si Jessica diba kasama ng mother niya at wala narin akong balita kay Elaine.
Diyos ko iligtas niyo po kami. Nagsisimula palang kami ni Dominic, please ibigay niyo na po sa amin ang happily ever after namin huwag ganito please.
Magpakatatag ka lang Stella para sa magiging anak niyo ni Dominic. Lumapit ako sa pintuan at hinampas ng malakas.
"Pakawalan niyo ako dito!!!!!" Sigaw ko, "hoy mga halang ang kaluluwa niyo pakawalan niyo na kami!!!!" Shit, parang walang tao sa labas.
Napahiga ako sa kama, pakiramdam ko ay nanghihina ako sa kakakalampag ng pinto. Sooner or later ay malalaman ko rin kung sino ang may kagagawan nito 😠.
Napabalikwas ako ng bangon nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na may takip ang mukha at may dalang tray ng pagkain. Agad niya yung inilapag sa sahig at dali-daling lumabas. Napatulala lang ako, bigla akong inatake ng takot. Ang laking tao kaya nun, baka anong mangyari sa amin ni baby kapag sinugod ko siya.
Tiningnan ko kung anong pagkain ang dala niya. Itlog, bacon, sliced bread, saging at may gatas pa. Ganito pala magpakain ang mga kidnappers? Akala ko ginugutom nila ang mga kinikidnap nila hanggang sa mamatay nalang kung hindi maibigay ng pamilya ang gusto nila.
Speaking of my family, baka sa mga oras na to ay alam na nilang nawawala kami ni Dominic. Sana makagawa sila ng paraan para mailigtas kami🙏.
Nagugutom narin ako kaya kakainin ko na tong pagkain, hindi pwedeng magutom si baby Mariestella 😊. We need strenght para makaligtas kami dito 😟.
"Oh ayan anak may name kana kaya kapit lang ha." Kausap ko sa maliit na umbok sa tiyan ko.
Pagkatapos kong kumain at nakaramdam ako ng matinding antok...
--------------------
Someone's POV
"Nakatulog na po siya ulit"
"Okay, make sure na hindi siya magigising sa biyahe"
----------------------
Ugh, ang sakit ng ulo ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nagulat ako dahil wala na ako sa kwarto at nasa loob na ng kotse, Diyos ko saan ako dadalhin ng mga taong to? Baka patayin na nila ako 😱
Nakita ako ng isa sa mga lalaki at agad tinakpan ang ilong ko ng panyo. Isang pamilyar na amoy ang nasinghot ko. Unti-unti na namang dumidilim ang paningin ko. Diyos ko iligtas niyo po kami...
---------------------
Hi readers! This is a very short update😊. Please help me decide kung anong magandang set up ng beach wedding for DomStell..
1.
2.
3.
4.
Comment down your bet.
Next chapter ay masasagot na natin ang mga katanungan kung nasaan na ba si Dominic? Sinong salarin ng lahat ng ito? Saan dadalhin si Stella? Makakaligtas kaya sila at maipanganak si Mariestella? Nakasalalay sa next chapter ang kapalaran ng next story ko 😱.
Walang bibitiw, kapit lang😊💙💎
YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
RomanceHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?