Stella's POVOA na kung OA pero ang sakit lang talaga..
Dominic Pascual, my ultimate crush...my LODI.
Hindi naman siguro masamang mangarap na mapansin ka ng iniidolo mo kaya sobrang saya ko nung pinuntahan nya ako sa hospital..
Pero ngayon daig ko pa ang mga niloko ng boyfriend nila sa sakit na nararamdaman ko😭
Pinahid ko ang mga luha ko dahil mukha na talaga akong ewan at baka biglang pumasok ang mga ate ko.
Wala akong naka schedule na gagawin ngayon, tatawagan ko nalang sina France at Mae para hindi ko na isipin pa si Dominic at yung magandang babae na kahalikan nito.😢
---------------------
Violet's Cafe
Nandito ako ngayon paborito naming tambayan ng mga friends ko. As usual ako na naman ang naunang dumating, mahilig talaga ang dalawang yun magpa late😒.
Mabuti nalang pinayagan ako ni mama na umalis at sakto ring wala sina ate Sandra at ate Serena sa bahay dahil siguradong kakantiyawan na naman nila ako.
Ilang sandali pa ay sabay na dumating si France at Mae, magkalapit lang kasi ang mga bahay nila at may sarili ng kotse si France kaya nakikisabay narin minsan si Mae sa kanya.
"Anong nangyari sayo bakla? Bakit yan ang feslak mo?!" Exaggerated na sabi ni France.
"Bakit anong mali sa itsura ko?"
Nakapusod ang buhok ko na pinasok ko sa loob ng cap na suot ko tapos ay pinatungan ko pa ulit ng hood ng black jacket na suot ko. Naka eye glasses din ako para hindi ako makilala ng mga tao."Alam mo para kang myembro ng sindikato na natatakot mahuli, gosh!" Si France.
"Teka, umiyak ka ba?" Tanong ni Mae na matamang nakatingin sa mukha ko. Wala talaga syang maitatago sa dalawang to, kita nyo nakita nila agad ako kahit naka disguise pa ako.
"W-wala, hindi kasi ako masyadong n-nakatulog kagabe dahil g-gumawa ako ng kanta" palusot ko.
"Naku Stella, hindi bebenta sa amin yang palusot mo" maarteng sabi ni France.
"Hay naku France, si Dominic ang reason kung bakit yan umiyak noh" oh yeah right, buking agad ang lola nyo.
"Hmp, oo na, masakit alam nyo yun" sabi ko na parang maiiyak na naman.
"Pero teka, kwento mo muna sa amin yung kumakalat na pic na binubuhat ka ni Dominic? Anong cheka dun? Akala nga namin ni Mae nagwagi kana kaya ka nga nag trending eh" ipinakita sa akin ni France ang picture namin ni Dominic habang buhat nya ako. May naka caption pa sa article na "is Stella Racal the new girlfriend of Dominic Pascual?"
I had no idea pero nakita ko nga kanina na trending ako pero hindi ko na nakita ang pic namin.
I told them the story behind those pictures, kung pano ako hinimatay hanggang sa pagdala nya sakin sa hospital. Kilig na kilig naman ang dalawa habang nakikinig.
"Hay naku, akala namin ni France ay may improvement na yang love life mo, haits!"
Napapalatak pa si Mae si hangin. Oo nga sayang wala na akong chance.."Eh sino ba kasi ang gorgeous girl na kahalikan ni Dominic sa airport? Infairness ang ganda!"
"Ano ka ba France, hinay-hinay na huhurt si Stel oh" tinapik pa ni Mae ang balikat ko.
Totoo naman eh, sobrang ganda nung girl. Bagay na bagay sila ni Dominic.
"So anong plano mo ngayon?" Si France.
"Tara, inom tayo" walang kagana gana kong sabi. Nabigla ako nang kutongan ako ni France.
"Gaga, at ano uuwi ka ng lasing? Baka katayin kami ni ate Sandra at Serena!" May pa hawak pa ito sa dibdib itong si France as if naman takot na takot eh suki na silang dalawa ni Mae ng mga high end bar simula noong nag 18 na sila, kahit kailan ay hindi ako sumama sa kanila dahil takot din ako kina ate.
"Oo nga, takot lang namin ni France sa mga ate mo, mas nakakatakot pa sila kay tita kaya" sang-ayon ni Mae.
"Don't worry, tatawagan ko mamaya si mama na mag se-sleep over ako sa inyo Mae at about kina ate, wala sila ngayon. Si ate Sandra na assigned sa Davao, si ate Serena naman sumama sa mga friends nya sa Tagaytay, bukas pa yun babalik" mahaba kong paliwang sa dalawa.
"Ok pero hinay-hinay ka lang mamaya sa pag-inom ha" nag-aalalang sabi ni Mae.
"Ok I will"
Pagkatapos nun ay umorder na kami ng makakain, uuwi pa kami kina Mae para magbihis, pahihiramin nya daw ako ng maisusuot. Tinxt ko narin si mama na sa bahay ako ni Mae matutulog buti nalang at pinayagan ako ni mama.
I really need this, kailangan kong mailabas ang sama ng loob ko and if that means getting drunk, gagawin ko.
---------------------
Mae's POV
Nandito kami ngayon sa bahay, saktong may out of town business meeting sina Mom and Dad, tanging ang tatlong kasambahay ang kasama namin ngayon.
"Sigurado ka ba na ito ang susuotin ko?" Tanong ni Stella.
Pinahiram ko sa kanya ang aking puting crop top with loose pants na may stripe na black and white, pinasuot ko rin sa kanya ang 3 inches stiletto ko.
"Of course yes! Bagay na bagay sayo Stel, ang ganda-ganda mo oh, daig mo pa ang isang modek at isa pa dapat eh masanay ka sa mga ganitong klaseng pormahan, artista ka na noh!" Pag bo-boost ko sa confidence nya.
Maganda talaga si Stella, sexy pa! Pang model ang datingan ng katawan nito. Pero di gaya ko na oa sa pagka vain, simple lang ito at walang paki minsan sa looks nya, natural na kasi dito ang pagiging maganda.
Nilugay ko lang ang buhok nya at nilagyan ng curl ang dulo, nilagyan ko rin sya ng make-up, yung magpapalabas ng mala diyosa nyang kagandahan😉
"Mae, wag nalang kaya natin ituloy, mag movie marathon nalang tayo ni France" nag aalinlangang sabi nito.
"Naku Stella naka ayos na tayo at lahat-lahat uurong ka pa ba?"
Tumango nalang ito kahit na nag aalinlangan. After 10 minutes ay dumating na si France, napahanga ito sa ginawa kong make over kay Stella.
"Vongga! So what are we waiting for? Let's slay the night!"
YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
RomanceHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?