Chapter 11

665 28 0
                                    

Dominic' POV

Time check: 8pm,
Napa aga ang dating ko dito sa Skyleigh Bar/Club.

It's my cousin Charles who invited me to attend their "Bachelors Night" dito sa bar na pagmamay-ari din nito.
I can't say no to him, once in a blue moon nalang kasi kami magkita.

Early pa kaya wala pa masyadong tao. I saw Charles talking to his bouncers, giving instructions.

"Good evening Sir Dominic! Ngayon ko lang kayo ulit nakita dito" bati sa akin ni Ray, isa sa  mga bartenders.

"Busy eh😊" last year pa nga ata ang huling punta ko dito.

"Dom! I'm glad you came!" Bati sa akin ni kuya Charles na niyakap ako.

"You know I can't say no to you kuya Charles" I consider him as the older brother I never had.

"Suit your self, just call me when you need something, I just need to run through some stuff, I'll be back at around 9."

Tumango nalang ako at nagpunta sa maliit na  platform where the DJ is. Tinulungan ko sya sa playlist nya for this night, more on electronic, hiphop ang nilagay ko sa set nya.

"Dom, thanks for helping me" si Mark, DJ of the night.

"No problem Mark."

"By the way, may bago ka na palang girlfriend?" Tanong ni Mark, marahil ay nakita nya ang mga pictures sa social media.

Umiling ako,  "No, she's not my girlfriend".

After that scene sa airport ay sobrang disappointed ako kay Elaine. I learned that she contacted some members of the press,  she planned everything para isipin ng mga tao na girlfriend ko na sya,  I never thought that she could do such thing.

Liligawan ko naman sya diba, pero hindi ganon. Ang gusto ko kapag naging kami ay panatilihin itong pribado at hindi mahaluan ng showbiz pero ano ang ginawa nya?

Ibang-iba na talaga sya, sa pananamit, sa pananalita. Hanggang ngayon hindi pa kami nag-uusap or mas tamang sabihin na iniiwasan ko sya. I just want to figure out my feelings towards her. Parang kailan lang ay gustong-gusto ko syang makita but now I'm having second thoughts...

"How about that Stella Racal?" Nagulat pa ako nang biglang magsalita si Mark.

Stella...

"Oh man, you're inlove" napapalatak na sabi ni Mark.

"What?! Whoa Mark, Stella s-she's just a co-artist, those pictures you've seen..she passed-out so I carried her and brought her in the h-hospital". Shit bakit ako nauutal?

"You're so defensive Dom😂"

Am I?

It's already 9:30, and dumating na rin ang mga bisita ni kuya Charles. And then someone caught my attention...

They were group of three, isang lalaki at dalawang babae. Wait, is that?....Stella! Hindi ako pwedeng magkamali, sya nga..but what is she doing here?

Sinundan ko sila ng tingin, at nang malaman ko na kung saan sila ay pumasok muna ako saglit sa vip room pero lumabas din ako agad nagpaalam lang ako kay kuya Charles na magpapahangin lang sa labas.

Pagbalik ko ay saktong tumayo si Stella at ang kasama nyang babae, nandito ako sa taas kaya siguradong hindi nya ako makikita. They are heading to the wash room. Ilang sandali pa ay lumabas na din sila.

Naikuyom ko ang kamao ko nang makita ko ang malalagkit na tingin ng mga lalaking nadadaanan nila. Damn! What's happening to me?

Nagulat pa ako nang makita kong bigla itong umiyak at inalo ng mga kaibigan nya. What's her problem? I suddenly felt the urge to wrap her in my arms and tell her that everything will be ok.

I silently curse myself, God what am I thinking? Lasing na rin ba ako?

Nakita kong pinahid na nya ang mga luha nya, mabuti naman dahil kung hindi baka hindi ko na mapigilang puntahan sya.

After a minute ay nakita ko silang papunta na sa dance floor, oh shit!. Baka hawakan sya nang kung sinong lalaki. Inisang lagok ko na ang natitira kong vodka. Bahala na but I need to get her away from here.

Pababa palang akong ng hagdan nang makita ko sila nang mga kaibigan nya na pa akyat sa mini stage.

I was in awe when they start dancing! Damn! I'm bewitched! Hindi na ako magtataka kung magiging superstar ito in the future, she's so talented.

"More!more!" Sigawan ng mga tao,  pero bumaba na ang mga ito sa stage.

"That girl in white, she's so freaking hot, I'll make sure I'll have her" napanting ang tenga ko nang magsalita ang isa sa grupo of men malapit lang sa pwesto ko nag kantiyawan pa ang mga ito.

Shit! Pupuntahan nya si Stella! I need to do something..sinundan ko siya kung saan naroon si Stella. Nandilim ang paningin ko nang makita kong hinahawakan nito ang kamay ni Stella!

The next thing I knew ay nasa harap ko na sila at hinawakan ko ang kamay ni Stella na hawak din nito.

"Stop harassing my girlfriend" mahinahon pero may diin na sabi ko.

Nakita kong nagulat ang lalaki at binitawan nito si Stella. Marahil ay nakilala ako nito.

"S-sorry Dominic, I thought-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng lalaki cause I think hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong suntukin sya kapag nagtagal pa kami doon.

Hinila ko si Stella palabas ng Bar, she shouldn't be here in the first place!

"D-Dominic.." Sabi nitong bakas pa rin sa mukha ang pagkagulat sa mga nangyari. Hinawakan nito ang ulo, marahil ay nahilo ito sa paghila ko sa kanya, I know she's drunk.

"You shoudn't be here!" Di ko napigilang tumaas ang boses ko, I'm really pissed!

"What if something bad happened to you? What if wala ako dito? Damn!"

"S-sorry" she's crying. I pulled her closer to me and wrapped her in my arms.

"Sshhh..sorry if I shouted on you" I wiped her tears, I looked her in the eyes, God she's so lovely...I can stay like this forever...

"D-Dominic, I-love you.."




-------------------------



Mag update ako very soon😊 hintay lang po ng konte dahil marami pang ganap si Stella at Dominic😉

I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now