Chapter 34

751 32 8
                                    

France's POV

Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa reaction ni Stella, wala siyang kaalam-alam sa nangyayari😂.

Alam kong nagtataka din kayo sa mga nangyayari kaya ipaubaya niyo sa amin ni Mae ang Chapter na ito😉.

Flashback

"Grrrrrr!!!! Nakaka frustrate! Next week na daw ang alis ni Dom kasama yung malandi pero wala parin tayong lead!" Napasabunot sa buhok si Mae.

"Nasaan na ba ngayon si Stella?" Palipat-lipat kasi ito ng lugar. Hayaan niyo na daming pera eh.

"Papunta na siya ng France ngayon"

"What? At hindi man lang tayo sinama😒" Plano na kasi namin noong summer palang na pupunta kami sa France, treat namin sa self namin. Alam niyo kasi kuripot talaga kami ni Mae, si Stella lang talaga ang galante kita niyo naman kung saan-saan nakakaabot😂.

"Uy France, tumatawag si Sir Joey!" Siya yung detective na kinuha namin para alamin kung anong hospital ang nag diagnosed kay Jessica na may Colon Cancer siya.

"Hello Sir, anong balita?"

"Ma'am sa Makati Med.ko po nakita ang record niya pero hindi siya na confined. Dito po kasi naka duty ang family Doctor ng mga Santos. Nalaman ko na ang diagnosis na yun ay para sa isang pasyente na namatay na. Pinalitan lang nila yung name at date ng diagnosis."

Sabi ko na nga ba eh! Pagmumukha palang ng babaeng yun ay hindi na kapani-paniwala.

"Sir, kunin niyo po lahat ng pwede nating makuhang papeles na magpapatunay na fake lang yung hawak ni Jessica Santos. Kung pwede po Sir ay bukas agad dahil may hinahabol kaming oras"

"Ok po, tatawag nalang ako ulit kung hawak ko na ang mga evidence."

Parang nabunutan kami ng tinik, walang hiyang babae yun! Akala ko sa mga teleserye at movies lang nangyayari ang mga ganito.

"So, anong gagawin natin ngayon France?"

"Wait, hmmmmm.... I'll talk to Dominic"

"Sigurado ka naman ba na maniniwala sayo si Dominic? "

Kinuha ko ang phone ko.
"Malalaman natin yan kapag pumayag siya na makipagkita siya sa akin"

I dialed his number hoping na same parin ang gamit niya, kailangan ko talaga siyang makausap.

Laking pasasalamat ko  nang mag ring ito.

"We need to talk, lalaki sa lalaki" bungad ko sa kanya nang sinagot na niya ang tawag.

"Ok, saan?"

Pagkatapos kong sabihin kung saan kami magkikita ay tinapos ko na ang tawag.

"And what's funny?" Kainis tong si Mae, pinagtatawanan ako😒

"Anong sabi mo? Lalaki sa lalaki?!😂😂,  eh akala ko ba ikaw si Eva?😂"

"Ewan ko sayo! Naka kilala ka lang nang lalaking adonis na buang ka na!😂"

-----------------

Nandito na ako ngayon sa lugar kung saan kami magkikita ni Dominic.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil nakita kong bumaba ito ng sasakyan.

Grabe, hindi ko masisisi kung hanggang ngayon ay mahal parin siya ni Stella. Nasa kanya na yata lahat ng katangian, husband material bes! Ehem, behave muna pala ako ngayon, lalaki sa lalaki ang magiging usapang ito😅.

We shake hands nang magkaharap na kami.

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin France?"

"It's about your fiancé Dom," sabi ko at ibinigay sa kanya ang envelope na hawak ko, buti nalang talaga at nakakuha agad ng matibay na evidence ang detective na binayaran namin, dapat lang no ang laki ng nagastos namin ng dahil sa malanding yun.

Pagkakita ni Dominic ng laman ng envelope ay kitang-kita na confused ito. That papers are consist of fake diagnosis na kinuha lang sa file ng isang namatay lang na pasyente, malalaman mo kasi ang pinagkaiba ng fake at totoo dahil sa mga signatures ng mga heads and directors. Kung ipinagawa nila siguro sa Recto yan malamang mahirap silang hulihin😂.

Nandoon din ang huling record ng general check up ng malandi at cleared siya sa kahit ano mang sakit.

"I know you're confused Dom pero you need to know the truth. Walang sakit yang si Jessica, kasabwat niya ang doctor at ang mama niya nang sa gayon ay makonsensya at maawa ka sa kanya at pagbigyan ang kunwaring "dying wish" nito which is magpakasal kayo."

Nakita kong kinuyom nito ang mga kamao, at nagpipigil na masuntok ang mesa. Pero wait, there's more..

"Alam kong mabuti kang tao Dom, kaya palagi nalang nila inaabuso yun. And about kay Elaine, hindi lang itong paninira niya kay Stella ang atraso niya sa iyo
"

"What do you mean France?”

Humugot ako ng malalim na hininga, hindi ko akalain na ako pa ang magiging story teller ng lahat ng nangyari😧

" 7 years ago, Stella told you that her career is more important than her love for you... pero isang malaking kasinungalingan yun...
Before kayo magkita ay nauna na silang nagka-usap ni Elaine. Sinabi niya kay Stella na isakripisyo ang pagmamahal niya sayo para matuloy mo ang mga pangarap mo dahil si Stella lang daw ang hadlang para makamit mo yun"

"What the fuck!" nahilamos nito ang kamay sa mukha,  malamang halo-halo nang nararamdaman niyang emotion ngayon.

"I love Stella France, I will choose her above anything!kahit pangarap ko pa ang nakataya. If only she told me everything..pero tapos na, nasaktan ko na si Stella ng paulit-ulit, nagalit ako sa kanya dahil akala ko wala akong halaga sa kanya.
Ang tanga-tanga ko, damn!"

Nakita kong umiiyak na ito, omg, huhu, kahit ako ay naiiyak narin. Kawawa talaga sila ni Stella, pareho lang naman silang victims of selfish people!

Nakita kong tatayo na sana ito pero pinigilan ko.

"Where are you going?" Nag-aalalang tanong ko, sa state niya ngayon ay baka kung ano ang mangyari sa kanya sa daan😱

"I need to talk to Stella, I need to apologize to her for all the pain I've caused her!” frustrated na sabi nito.

"Sorry Dom pero wala si Stella eh, hinayaan muna naming hanapin niya ang sarili niya, she was really hurt noong sinabi mo na magpapakasal na kayo ni Jessica... Pero wait, may nakita daw siya sa dalampasigan na diamond ring na may initials niya na nakaukit. Is that really for her?" Malamang sa malamang si Dominic talaga ang nakahulog ng ring na yun.

Nagtaka ako nang biglang lumiwanag ang mukha niya nang banggitin ko ang ring na yun.

"France, I need your help.. This time sisiguraduhin kong everything will be put in to there right places,  just trust me..I will win Stella back"

End of Flashback

Ang haba ng balik-tanaw ko ha... Basta nagawa na namin ni Mae ang kaya naming gawin para sa love life ng bff namin.

Bahala na silang dalawang umayos ng mga gusot ng love life nila, kaya na nila yun! Ang tatanda na nila kaya😉

I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now