Stella's POV"Are you deaf? I said who are you?!"
Napaigtad ako sa pagtaas ng boses nya, grabe..mala anghel ang mukha pero nakakatakot🤤
"Ah eh..."
"Elaine, why are you here?"
Nagulat ako nang makita ko si Dominic na dumating na pala at nandoon na sa likod ng babae.
"Dom! Who is she?!" Napasigaw na ito. Grabe ako pa ata ang magiging dahilan ng paghigiwalay ng mga ito😱
Imbes na sagutin nya ang babae na nagngangalang Elaine ay naglakad naman si Dominic papalapit sa akin, kaloka! I cross my arm in front of me nang maalala ko na t-shirt parin nya ang suot ko, shocks! Ito na yata ang pinaka embarrassing moment na nangyari sa buhay ko!
"Here, magpalit ka na sa loob pagkatapos ay ihahatid na kita" sabi nito habang inaabot sa akin ang paper bag na hawak nito.
Sa kagustuhang makaalis na sa harapan nila ay inabot ko na ang paper bag, bago ako umalis ay tinapunan ko muna nang tingin ang magandang babae pero nandidilim na talaga ang mukha nito, I need to get out of here😱
---------------------
Dominic's POV
Shit!
Hindi ko akalaing pupunta dito si Elaine and worst naabutan nya pa si Stella!"Dominic! Who is she?! Bakit sya nandito ha? Babae mo ba sya ha!" Galit na galit na sabi nito.
"Lower your voice Elaine, and what is it to you if she's my girl?" Mahinahong sabi ko sa kanya. I don't know pero nakaramdam ako ng inis.
"What?! Are you out of your mind?!, akala ko ba ako Dom?" She's crying.
Hinawakan ko ang balikat nya, I don't know what to say or do.. Diba dapat masaya ako at magtatalon ako sa saya dahil ang babaeng mahal ko noon ay mahal na ako ngayon? Noon... I'm not sure if my feelings towards her is still the same.
"She's my friend, and I think I don't need to explain everything to you El, wala namang tayo" nakita kong gumuhit ang sakit sa maganda nyang mukha, I'm sorry Elaine..
"Is this a revenge Dom? Dahil na turned down kita when you told me that you love me? Did you plan this para masaktan ako?"
Sabi nito habang patuloy sa pag iyak."No, I don't have any plans to hurt you believe me..yes nasaktan ako ng sobra pero hindi ko kayang saktan ka, it's just that..."
"You don't love me anymore"
Mapait na sabi nito."El-"
"Don't!"
Putol nito sa sasabihin ko."Don't ever tell me your sorry" pinahid nito ang natitirang luha sa kanyang mga mata.
"I won't give you up Dom, sisiguraduhin ko na you will fall inlove with me over and over again"
Hindi ko namalayan na wala na ito sa harap ko.
I'm..... I'm speechless.--------------------
Stella's POV
Kasalukuyang hinahatid ako ngayon ni Dominic sa bahay nina Mae, I told him na hindi pwede sa bahay at tumango naman ito.
Katahimikan..
Mga 30 minutes na kaming stuck sa traffic pero walang may gustong magsalita. Ang awkward naman kasi eh.Paglabas ko ng kwarto ay wala na yung babae. Mukhang nag away nga talaga sila kasi hindi maipinta ang mukha ni Dominic paglabas ko. Naku, hindi kaya ng konsensya na ako ang maging dahilan ng pagkasira ng isang relasyon😱
"Ehem, ahm, D-Dominic..s-sorry sa nangyari kanina, d-dahil sakin nag-away pa kayo ng g-girlfriend mo" hala, kinakabahan talaga ako.
"She's not my girlfriend" sagot nito na diretso lang ang tingin, hmp, hindi man lang ako tinapunan ng tingin eh hindi naman kami umaandar😑
Ibinuka ko ang bibig ko pero isinara ko nalang ulit, gusto ko pa sanang sabihin na bakit sila naghahalikan kung hindi sila mag jowa? At bakit nakapasok ito sa condo nya kung wala itong access dun? Pero ayako namang umastang feeling close.
"It's a long story" nabigla pa ako nung magsalita ito. Mind reader ba to? Alam na alam na madami akong tanong ah.
"O-ok"
After higit 1 hour ata, sa wakas ay nakarating na kami sa bahay ni Mae. Bubuksan ko na sana ang pinto nang kotse nang dali-dali itong lumabas at umikot sa kabilang side para pagbuksan ako.
"T-thank you" kailan pa kaya mawawala ang pag bubulol ko kapag kaharap ko si Dominic?
Akala ko sa pocket books lang mababasa or sa telenobela lang mapapanuod na yung babae ay hindi mapakali at ang lakas ng tibok ng puso mo na animoy may nagkakarera sa loob-loob mo kapag nasa harap ng taong mahal nito..mahal? Mahal na ba? Hindi ko alam, or baka takot lang akong aminin.
Alam kong kapag minahal ko ang isang Dominic Pascual ay siguradong masasaktan lang ako. Imposible pa sa lahat ng imposible na mahalin din ako nito.
"Stella, I'm really sorry for what happened earlier. Hindi ko alam na pupunta dun si Elaine" nahihiyang sabi nito. Napakamot pa ito sa ulo, grabe ang cute nya kung nahihiya😁
"Naku, w-wala yun, ako nga itong dapat na mag sorry kasi nag away pa kayo, s-sorry talaga"
He smiled at me! Grabe nakakatunaw😍
"Stella, pwede ba tayong maging magkaibigan?" Sabi nito habang nilalahad ang kamay sa harap ko. Totoo ba to?
Hindi na ako nagpa tumpik-tumpik pa! Mas ok na to kaysa walang development😉
"Sige, mag iinarte pa ba ako? Isang Dominic Pascual gusto akong maging kaibigan! Friends!" Excited na sabi ko and then we shake our hands.
"Thank you, I'm really happy Stella😊"
Mas masaya ako Dominic!
Iimbitahan ko pa sana sya loob nga bahay ni Mae (maka imbita ako akala mo bahay ko😂) pero tumanggi na ito dahil may aasikasuhin pa daw.
Nagpalitan din kami ng number oh diba,
Nag doorbell ako na agad namang binuksan ng kasambahay nina Mae. Hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ko😊 naka tattoo na ata sa mukha ko.
Nagulat ako nang pagpasok ko ay pumutok ang mga confetti sa ulo ko😒
"Congratulations!" Sabay na sigaw ng dalawang abnormal kong kaibigan.
"Huh? Para saan?"
Nagtatakang tanong ko."Syempre dahil sa wakas may development na ang love life mo girl!" Tuwang-tuwang sabi ni France.
"Ano ba friends lang kami noh" natatawang sabi ko na mukhang hindi naman pinaniniwalaan ng dalawa.
Kukulitin pa sana nila ako nang mag ring ang phone ko. Si Mam Jemma ang tumatawag. Sumenyas ako sa dalawa na sasagutin ko ang tawag. Nakangising tumango ang mga ito kaloka!
"Hello Mam Jem?"
"Stella! I have a good news for you!" Excited na sabi nito.
"Gusto kang e guest ni Dominic Pascual sa concert nya sa Moa Arena 2 months from now and I said yes!"
Napanganga nalang ako, Grabe na talaga ito mga bes!
YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
RomanceHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?