He's a superstar, I'm a newbie in the business..
He really rocks, I'm his biggest fan..
What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin?
Mapapansin nya kaya ako?
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Stella's POV
Ang ganda!!!
"Mahal, ang laki ng bahay na to..😱" hindi makapaniwalang sabi ko. Sobrang ganda at may malawak ng swimming pool pa 😱.
"I told you, I only want what's best for you at sa magiging anak natin" sabi nito sabay yakap sa akin mula sa likod.
By the way, bati na kami dahil sa mangga😊.
"Halika Love, I'll show you something" sabi nito na iginiya papunta sa left side ng mansion at bumungad sa akin ang isang hardin, 😍
(Part of of Stella's garden)
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Ang ganda.." meron ditong iba't-ibang klaseng bulaklak.
"Kapag gusto mong mag relax at sumulat ng kanta, this is your best spot Love" sabi ni Dominic na dinampian ako ng halik sa pisngi.
"Bilib na talaga ako sayo Mahal, lagi ka nalang may surprise sa akin. I love you.."
"I love you too Love" maglalapat na sana ang labi namin nang..
"Sir Dominic, anong gusto niyong tanghalian ni Ma'am Stella?" Lumingon kami at isang babae na nasa mid 30's palang siguro ang nakatayo sa entrance ng garden.
"Moi.." tawag ni Dominic sa babae na mukhang mabait naman. "Love, this is Moi. Siya yung makakasama natin dito. Actually sa bahay talaga siya ni papa nagtatrabaho pero gusto ni papa na lumipat siya sa atin dahil maasahan talaga itong si Moi"
"Hi Moi!" Bati ko sa kanya.
"Naku Ma'am Stella, ang ganda niyo po lalo na sa personal! Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay sayo itong si Sir Dominic!" Kinikilig na sabi nito na ibinuking si Dominic 😁.
"Moi naman eh.." nakangusong sabi ni Dominic, ang cute!
"Oh, siya anong gusto mo para sa lunch Ma'am Stella?" Tanong ni Moi.