chapter 1

1.8K 33 2
                                    

Stella's POV

”Congratulations!!!”

Yan ang bungad sa akin ng mga kaibigan at kapamilya ko dahil sa pagkapanalo ko sa isang singing reality show sa tv. Actually di naman ako ang champion 1st placer lang ako pero masaya na ako dun.

"Thank you sa inyong lahat, sa mga magulang at kapatid ko na walang sawang sumusuporta sa akin at sa mga kapamilya at kaibigan ko maraming salamat sa hindi pag bitaw from start to finish" ani ko na maluluha na sa sobrang saya.

"So pano ba yan girl,  let's start the party!" Si France,  ang bakla kong kaibigan.

At nagsimula na nga ang victory party for me. Narito kami ngayon sa isang resto bar kung saan may buffet ng pagkain at may bar din sa kabilag bahagi sa mga gustong mag inuman.

Lahat ng naroon ay binati ako at talagang na overwhelmed ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Kahapon lang ay nag sign ako ng contract under sa isa sa pinaka malaking record label sa bansa at ganun din sa artist center na under dito ang Star Center. Alam kong magbabago na ang buhay ko simula ngayon and i'm really hoping that maging ok ang lahat.

Di ko naman plano maging artista o singer kaso habang nasa mall kami 5 months ago may pa audition ang isang malaking network para sa singing reality show nila. Wala narin ako nagawa dahil nalista na pala ng mga friends ko ang name ko sa mga auditionee and the rest was history.

"Stella!!!" Sigaw ni Mae,one of my bff's

"Mae, thank you at nandito ka rin"

Natutuwa tlaga ako na makita sya,akala ko kasi wala na sya dito dahil pupunta sila sa province nila para magbakasyon.

"Ako pa ba bes? So pano na yan, artista ka na sana wag mo kaming kalimutan ni France kapag sobrang sikat ka na ha” nag pout pa silang dalawa ni France


"Hahaha, ano ba kayo,  kahit kailan di ako  magbabago girls don't worry"

"Omg girl,  baka makita mo na si Dominic!!!!!”

Nagulat ako sa tili ni France pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Si Dominic Pascual,  isang superstar,  ang mga kanta nya laging number 1 sa top 20 charts, lahat ng concerts nya here and abroad puro sold outs lahat at minsan ko na pinangarap na makanuod ng concerts nya pero pinagkakaitan lagi ako ng pagkakataon dahil kung hindi busy sa school eh kulang na ako sa budget dahil sa mga bayarin sa school, hay,  perks of being a student. Pero ngayon abot kamay ko na ang pangarap kong makita sya sa personal.

" ehem, earth to stella, ang lalim ng iniisip mo girl"

Napapitik si France sa harap ko na ikinagulat ko.

"Di ko alam kung makikita ko sya girls,"

"Naku ano kaba bes, ang liit ng mundo ng showbiz malamng magkikita kayo" Mae.


"Well, i'll just cross the bridge when i get there bes"

Hindi ko maiwasang kabahan,  isipin pa lang na makikita ko sya sa personal parang nakakapanghina na ng tuhod. Hay ano ba tong naiisip ko, ano kaba stella focus kana muna sa mga project na ibibigay sayo, hindi ka pwedeng pumalpak not now na nagsisimula ka palang.

------------

Kina umagahan maaga akong nagising dahil may meeting kami ngayon ng manager ko para sa gagawin kong album. Agad akong bumangon sa kama ko at pumunta sa banyo. After an hour ay ready na ako, nag suot lang ako ng isang floral above the knee dress.

"Ma, nasaan si ate? Aalis na sana kami ngayon dahil baka ma late kami sa meeting"

"Teka anak at tatawagin ko lang ang ate mo"

Tumango nalang ako kay mama. Si mama at dalawang ate ko lang ang kasama ko dito sa bahay. Si papa ko naman ay madalang lang namin makasama dahil seaman ito. Ang pinaka ate ko,  si Sandra ay 22 years old at nagtatrabaho na bilang accountant sa isang bank. Ang sumunod naman ay si ate Serena,  kaka graduate nya lang bilang flight attendant. Ako ang bunso 18 years old palang ako at kasalukuyang 2nd year college taking up business administration. Ito pa ang pinoproblema ko ngayon,  how will i continue my studies ngayon na papasukin ko na ang showbiz.

"Let's go Stella" si ate Serena. Since naghihintay pa sya ng ilang buwan bago sa next hiring ng mga airlines for flight attendant, sya muna ang sasama sakin everytime may event ako or meeting regarding my career.

Sumakay na kami sa kotse na naipundar ni papa after nya ipagawa ang bahay namin. Nag aral mag drive ang mga ate ko kaya hindi na namin kailangan ng driver.


Agad kaming nakarating sa office ng Star Center at naroon na rin ang manager ko. Si Sir James Azul or "Jemma". Yes gay ang manager ko kaya panatag ang loob ko sa kanya. Marami narin syang minamanage na big stars sa industry kaya ang swerte ko dahil kinuha nya ako para e manage.


" Stella, i'm so excited to manage you" nag giggle pa si sir este mam Jemma.


"Thank you po, promise i will do my best sa mga opportunities na ipagkakaloob sa akin"


"Oh sya baka magka iyakan pa tayo,  pasok na tayo sa loob"


Nakasunod din sa likod ko si ate Serena. Pag pasok namin sa conference room ay nandoon na ang mga big bosses ng Star Center. Marami kaming napag usapan, ilan dun ang pag gawa ko ng album, mga mall shows at mapapa bilang pa ako sa isang variety show.ang swerte ko! Kung tutuusin hindi naman ako ang nanalo pero mas naniniwala pa ata sa kakayahan ko ang mga taong sa harap ko ngayon kesa dun sa naging champion. May bulong bulungan kasi na dinaya ang botohan ng final face off namin dahil may kilala daw ang pamilya nito sa loob na namamahala sa production ng show. Hindi na ako nag reklamo sa naging resulta dahil alam ko sa sarili ko na i did my best.


"So Stella ito na talaga,  you have to be ready. Ngayon palang I'm telling you na hindi basta basta ang papasukin mo. You have to be ready emotinally,  mentally and physically" sabi ni mam Jemma na nagpakaba sa akin.


"Are you ready to enter the world of show business?"


Lahat ata ng mata nakatutok sa akin. Kahit may pag aalinlangan man sa puso ko, wala na akong magagawa kundi gawin lahat ng makakaya ko.

"Yes,  i'm ready!"


Yes, kakayanin ko to!

I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now