Chapter 25

682 32 18
                                    


The first time I met you
I know you were the one
You told me you love me
But where are we now?

I offered you a love so true
But you chose to let go,
I thought we can have forever,
but where are we now?

You're the sunshine in my winter,
The only reason I survived,
You're the best I ever had,
In this cold and lonely life.
But now you're just a picture slowly fading.
You're the one that got away..

Ooh..ooh..
But now you're just a picture slowly fading..
You're the one that got away..

Hindi ko namalayang umiiyak na ako. This is not the first time I heard that song, naalala niyo yung papunta ako sa SC? Pero iba parin pala kapag narinig mismo mula sa kanya na para sa akin yung kanta.

That song is a statement, his statement song. Tama nga naman I'm just a picture from the past that slowly fading, ang sakit alam niyo yun?

Kahit kailan hindi ako tumigil sa pagmamahal sa kanya. I stalked him everyday, FB, IG, Twitter...
I continued my showbiz career hoping that one day babalik siya at magkikita kami sa SC at nangyari nga. Sadyang tanga lang ba ako na umasang babalik sa dati kahit ang friendship lang namin?

Hinawakan ni France at Mae ang magkabila kong kamay.

"Stel, uwi nalang kaya tayo, you're trembling" si Mae na sinang-ayunan ni France.

Siguro nga dapat umalis na ako, hindi naman ako dapat pumunta dito in the first place.

I took a last look on stage. Bye Dominic, hindi na sana tayo magkita pa...



--------------------

"Stel, tahan na oh" pang-aalo sa akin ni Mae, kanina pa ako umiiyak. Nandito na kami sa parking lot.

"Sorry talaga Stella, ako kasi eh nagpumilit pa na pumunta dito" nakokonsensyang sabi ni France.

"O-okay l-lang France, ginusto ko din naman eh"
Pinahid ko na ang mga luha ko, enough na Stella, naka move na nga yung tao eh. Isa ka nalang lumang larawan na na kupas na😭

"So, let's go home?" Tanong ni Mae, umiling ako.

"No, let's go somewhere, iinom tayo" yaya ko sa kanila nang makapasok na kami sa car ni France.

Wala na rin nagawa ang dalawa, wala eh..kailangan nilang sumang-ayon nalang sa broken hearted na katulad ko.



---------------------

Someone's POV

"Sir, nakaalis na po sila" sabi ng tinig sa kabilang linya.

"Ok, just follow them"


--------------------------

France's POV

Here we go again...
Nandito kami sa Skyliegh Bar. Natatandaan niyo yung first time na uminom si Stella na nalasing tapos nawala nalang bigla yun pala sumama kay Dominic🙄

Hay, nakakaawa talaga tong bff namin😔. Sa loob ng mahabang taon alam naming si Dominic lang ang minahal niya. Maraming nag attempt na manligaw pero basted lang sa kanya.

"France tama ba tong ginagawa natin? At dito pa talaga sa bar na to ha😒" pabulong na sabi ni Mae.

"We're here nga diba para bantayan siya, huwag lang tayo masyadong uminom dahil baka pulutin tayo sa kangkungan kapag lahat tayo lasing"

Nakita naming dire-diretso lang si Stella at umupo sa exact spot kung saan kami umupo noon! Nagkatinginan kami ni Mae. Hala ano ito, déjà vu?

Siya na rin mismo ang omorder ng dalawang bottle of Scotch 😱. Kaloka, kakasabi ko lang kay Mae na hindi dapat kami malasing.

"Stel, hinay-hinay lang ha, mahaba pa ang gabi" paalala ni Mae.

"We're not starting yet girls, we will paint the town red!"
Nakangiting sabi nito.

Na buang na ata si Stella, pagkatapos umiyak ng vongga ngayon naman ay nakangiting kabayo😑

Ang bilis ng pag-inum nito, nangangalahati na yung Scotch oh. Buti nalang at mataas na ang tolerance niya sa alcohol kaya kahit lasing ay hindi masyadong halata. I'm thankful nalang talaga na bakla ako at hindi ko kailangang pagdaanan ang mga ganitong klase ng heartbreaks!

"Alam niyo, I was so happy when I saw him after 7 years. I felt like home is near...
Paulit-ulit kong sinasabi na hindi dapat ako magsisi sa mga desisyon ko noon dahil nagbunga naman ang lahat, look at him now..."

She's crying again, yung iyak na wala ka nang emosyon dahil pagod ka na sa kakaiyak, huhu kawawang Stella😭.

"Pero naisip ko what if hindi ko siya sinaktan? What if kung ako nga ang pinili niya over his dreams? What if masaya kami ngayon if I let him chose me?
Pero lahat ng yun puro what if's nalang"

Natahimik kami ni Mae, we don't know what to say. Huli na namin nalaman noon ang mga nangyari. If only Stella told us earlier about her problems... Pero gaya ng sabi niya, puro nalang what if's yun ngayon wala na tayong magagawa sa mga bagay na tapos na.


--------------------

Stella's POV

2 hours later...

Pagod na ako...
Sa kakaisip, sa kakaiyak..
I just want to enjoy the night.

"Girls, let's dance!" hindi ko na hinintay yung dalawa at dumiretso na ako sa dance floor. I know I'm really drunk but I can still manage to dance.

Lumingon ako sa likod ko hindi ko makita ang dalawa kung nakasunod ba sila sa akin blurred narin kasi ang vision ko sa kalasingan.

I just started dancing freely, wala akong pakialam sa paligid ko. Ilang sandali pa nang maramdaman kong may humawak sa bewang ko at kinikiskis ang harapan niya sa likuran ko😱

What the heck! Manyakis to ah! Haharap na sana ako para sampalin ang gagong yun ng may marinig akong nagsigawan. Pagharap ko ay nakita kong nasa floor na ang manyakis na lalaking yun at putok ang labi nito😱

"Don't you ever laid your filthy hands again to my woman!"

Ang boses na yun..
S-si Dominic!











-----------------------

Hi readers! Sorry sa pangbibitin ko lagi✌ ang hirap kasi talaga pag data lang gamit mo sa pag published.


Yung song ni Dominic gawa ko lang yun, kayo na bahala mag lagay ng nakaka lungkot na melody😭


Malapit na tayo sa katapusan kaya just stay with me. Thank you ulit!

I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now