Chapter 20

666 26 0
                                    


".....but you will always be my boo"

"StelDom! StelDom!" Sigaw ng crowd, luma-loveteam eh😊

"Thank you Stella" bulong ni Dominic while hugging me tight. I felt his lips on my head😊

"Ladies and gentlemen, again let's give this very talented and awesome girl a  big round of applause!"

Nakabibingi ang palakpakan, first time ko sa ganito kalaking crowd! Nakaka overwhelming talaga ang pagtanggap ng tao sa akin😭

It's my time to exit, nag thank you lang ako sa lahat at kay Dom bago bumaba ng stage. Sinalubong ako nina France at Mae.

"Stel, grabe ka! Pwede ka na mag solo concert dito oh, the crowd loves you!" Bulalas ni
Mae.

"Ay naku girl, we're so proud of you!!!!" Sigaw ni France tapos ay nagyakapan kami😊

"Uuwi na ba tayo or hihintayin natin si Dominic?" Tanong ni Mae, papasok na sana kami sa dressing room nang magulat kami na nakasunod na pala sa amin si Jemma, my manager. I thought nakita ko sya kanina na nag-uusap with Dominic's manager. Parang bigla akong kinabahan.

"Excuse me girls, can I have a word with Stella?" Sabi ni Jemma.

Tumango din ang dalawa kaya naiwan sila sa labas ng dressing room.

"Stella, may relasyon ba kayo ni Dominic?" ayun na  nga ba ang sinasabi ko eh.

"P-po? A-ah kasi..." Honestly hindi ko alam ang isasagot wala naman kasi talaga kaming relasyon ni Dominic sa ngayon eh. It's a one sided love.

"I saw how Dominic adores you and there's undeniably chemistry between you two but it would be a big downfall on your part Stella kapag pinagpatuloy nyo to" seryosong sabi ng manager ko.

"Everyone knows that he have a girlfriend, remember yung girl sa airport?"

Si Elaine.

"P-pero hindi nya daw girlfriend yun Jem" parang tutulo ang luha ko pero pinigilan ko ang sarili ko.

"As long as hindi nag sasalita so Dominic tungkol dun, lalabas kang third wheel sa kanila and i'm afraid your bashers will take that opportunity to bring you down Stella, kung ako lang ay ang tatanungin ay bagay na bagay kayo, but let's look at the bigger picture, your just starting your career Stella."

I'm speechless,  niyakap ako ni Jemma at nagpaalam na siya sa akin. Pinahid ko ang isang patak ng luha na lumabas sa mata ko, hindi ako pwedeng umiyak, mahahalata ng mga friends ko and pagmumulan na naman ng maraming katanungan at hindi pa ako handang mag kwento sa kanila.

Inaayos ko ang gamit ko nang pumasok ang dalawa.

"Oh, aalis na ba tayo? Akala ko maghihitay pa tayo kay Dominic" nagtatakang tanong ni Mae.

"Hindi na girls, tatawagan ko nalang siya mamaya😊" Palusot ko.

Kahit nagtataka man sila ay hindi na sila nagtanong pa, Kailangan kong mag-isip.

Magiging love life na sana, magiging bato pa yata😭

----------------------

Nagising ako dahil sa ring ng phone ko, kanina ko pa yun naririnig pero hindi ko pinapansin.

6:00am plang, grrrrr! Madaling araw na nga ako nakatulog sa kakaisip sa dilemma ko sa buhay tapos kay aga-aga may nang iistorbo na😒

Whaaaaaaaa!!!! Si Dominic pala! 30 missed calls?!
Kagabe ay nakailang text at calls narin sya pero hindi ako nagrereply at sumasagot.

Tiningnan ko ang huling text nya sa akin.

"Stella? Please answer your phone,  please?? I'm so worried"

Hindi ko na napigilang umiyak. Paano na to? Hindi pa nga kami officially nagsisimula may hadlang na😭.

Pero hindi naman pwedeng iwasan ko lang siya forever. I decided to call him, bahala na. Naka isang ring lang at sinagot agad ni Dominic.

"Stel, bakit ngayon ka lang tumawag? You know i'm so worried kung nakauwi ba kayo-"

"Sorry Dom, pagod lang kasi ako kagabe kaya hindi kana namin nahintay, by the way congrats sa successful concert mo, I'm so happy for you Dom!" Putol ko sa kanya, pinasigla ko rin ang boses ko para hindi halata na may pinagdadaanan ako.

"I'm glad you're ok and thank you din sayo Stella, mahal ka ng fans ko alam mo ba yun?" Masiglang sabi nito.

"Ah, eh.ganun ba?"

"Oo naman, basta kung sino ang mahal ko mahal na din nila"

M-mahal?

"I'll be gone for 1 week, may concert kasi ako sa Hongkong and Singapore. We will talk when I get back okay?"

Omg! Anong gagawin ko? Hindi naman ako manhid para hindi mapansin nang magpahaging na sya😭

"Stel, are you still there?" nagtatakang tanong nito, kanina pa kasi ako tahimik.

"Yes Dom, okay usap tayo pagbalik mo" sabi ko na pinipigil ang pag-iyak.

After that ay nagpaalam na sya sa akin. Paano na to? Kung wala lang sana akong consequence na iniisip siguro kanina pa ako nagtata-talon dito😭.

Ilang oras akong umiyak, bahala na kung mugto ang mata ko mamaya.

----------------------

"Stel, France gusto ko talaga balang araw makapagpatayo tayo ng sariling negosyo tayo" excited na sabi ni Mae. Nandito kamo ngayon sa isang restaurant, kakatapos lang namin mag mall.

It's been two days since last na nag-usap kami ni Dominic. Nakapag desisyon na ako, i'll give it a try. Naisip ko bakit naman ako magpapa apekto sa sasabihin ng ibang tao? May solid fans na ako na alam kong naniniwala sa akin and i'm thankful for that.

"Agree ako sa idea na yan, ayoko mag trabaho sa company namin, ipapaubaya ko ang company kay kuya" sang-ayon na sabi ni France.

Nakikinig lang ako sa  kanila, hindi naman ako kasing yaman ng dalawang to ano, sakto lang ang pamilya namin.

"Uy Stel, bakit hindi ka na nagsasalita dyan?" Si Mae.

"Ay naku, hindi ko alam kung makakasali ako inyo, wala akong puhunan no😑"

"Mayaman kana yan girl, ang bilis kaya ng pera sa pag-aartista"

Well, agree naman ako dyan, ilang buwan palang ako sa showbiz pero may naipon na rin naman ako.

"Hmmmm, pag-iisipan ko😊" napasimangot ang dalawa.

Nagulat ako nang biglang mag ring ang phone ko, unregistered number. Sino kaya to? Nag excuse ako sa dalawa para sagutin ang tawag.

"Hello? Sino to?"

"This is Elaine, remember me? I want to talk to you. 4pm tomorrow.."

Pagkatapos niyang banggitin kung saan ay tinapos na nito ang call. Ni hindi man lang ako naka hindi, ngayon obligado pa akong pumunta😒

Ano naman kayang pag-uusapan namin?
Tungkol kaya Dominic?
Pano niya nakuha ang number ko?
Ano na naman to?

I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now