Chapter 7

692 26 2
                                    

Stella's POV

Where am I?

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata..

Hala, nasa hospital ako! Pero bakit?

Nagulat pa ako nang bumukas ang pintuan at pumasok si ate Serena.

"Stella!!!! Buti at gising kana!"

Grabe lagi bang naka megaphone tong si ate? Napapadalas ang pagtitili nito ha, kaloka😑

"Ate bakit ba ako nandito sa hospital?"

Napakunot ng noo si ate. "Huh? Di mo ba naalala? Nahimatay ka sa Grandale! And guess who ang nagdala sayo dito????" Kinikilig with twinkling eyes pa si ate oh.

Teka, ang huling naaalala nya ay papunta sya sa wash room and then may nabangga syang tao and....

O to the M to the G!!!!!!!!!

"A-ate d-dinala nya ako d-dito?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Oh yeah, i'm on my way na pabalik sa Grandale nang tinawagan ako ni Sir Dylan na hinimatay ka daw. Pagdating ko dito nagulat pa ako na si Dominic ang nagbabantay sayo! As in super gwapo nya!"

"Wow ate ang landi ha!" Nakakatawa kasi si ate, parang maiihi sa kilig😂

"Loka-loka! Pero no kidding talagang sobrang pogi nya, no wonder patay na patay ka sa kanya" napatawa pa ito ng malakas, napaismid nalang ako.

"Alam mo Stel, the thought palang na hindi ka nya iniwan dito habang wala pa ako, panalong panalo kana girl! At binayaran nya na rin ang bill dito sa hospital"

Napatulala nalang ako sa mga revelation ni ate, si Dominic Pascual? Dinala ako dito sa hospital at binantayan pa ako? Oh my gulay, pwede na akong mamatay bukas!

----------------------

Dominic's POV

Kakatapos lang ng meeting namin with the producer of my concert na gaganapin sa Moa Arena 2 months from now.

Wala akong naintindihan sa pinag-usapan namin, tanging tango at yes lang ang sagot ko. I was too preoccupied.

Ewan ko ba pero gusto kong bumalik sa hospital. I'm worried. Kanina ng mahimatay si Stella ay dali-dali ko itong binuhat para dalhin sa hospital. Nagulat pa ang mga tao sa labas nang makita ako na buhat si Stella. All the cameras were flashing on them, bahala na kung nasa front page kami bugas ang importante ay madala ko sya sa hospital.

"Dom, uulitin ko nalang sayo later ang mg ipang-usapan kanina" si Mike.

Hindi na ako nagulat, alam na alam ni Mike kung ano ang iniisip ko.

"Thanks Mike and I'm sorry if I wasn't paying attention during our meeting with Mr. Reyes" tumango lang ito sa akin.

"So what are you waiting for? Alam kong may pupuntahan ka pa" nakangising sabi ni Mike.

Oh yeah, right!
I just can't help but grin.

-------------------

Serena's POV

Mga 3 hours ring tulog si Stella kanina, at nakakatawa talaga ang reaction nito pagkatapos niyang sabihin ang mga nangyari.

Ang pogi naman talaga kasi ni Dominic Pascual, pagdating ko kanina ay nagulat ako nang madatnan ko sya dito, and alam nyo ba ang ginagawa ni pogi pagpasok ko sa room? Ayun titig na titig sa kapatid ko! Kung gising lang si Stella malamang natunaw na yun sa way ng pagtitig ni Dominic sa kanya.

I decided na huwag na ikwento sa kanya ang part na yun baka lumaki ulo eh✌ and besides ayoko maging assuming ang kapatid ko no, you know naman ang mga lalaki ngayon ang tindi magpa fall gaya ni.... Hmmp, basta!

I texted mama kanina na huwag ng pumunta dito kasi ok narin naman si Stella at nahimatay lang dahil nakita ang ultimate crush nito😂 hinihintay nalang namin ngayon ang doctor para ma discharge na siya.

"Ate nagugutom ako" reklamo ni Stella.

"Ok lalabas muna ako, anong gusto mong kainin?

"Kahit ano ate" oo nga pala, kahit ano kakainin nyan ni Stella. Sya na yata ang pinaka matakaw na taong nakilala ko pero ang nakakainis ay hindi tumataba! Grrrr, while ako nagpapakahirap mag diet😒

Nasa labas na ako ng hospital nang may makasalubong ako..

---------------

Stella's POV

Nakaramdam ako ng gutom kaya nakisuyo na ako kay ate na bilhan ako ng pagkain.

Until now hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni ate, isang Superstar nag abalang dalhin pa ako dito sa hospital? Ang haba naman ng hair ko bes,

Or maybe ganun lang talaga si Dominic, napaka buting tao kasi nito kaya kahit hindi pa ako yung nahimatay ay siguradong tutulungan nya. Oh my goodness ang swerte ko talaga sa araw na to!

Mga 30 minutes na ang nakalipas pero wala pa si ate, anong nangyari dun? Teka at matawagan ko na nga lang, kumukulo na talaga ang tiyan ko eh.

Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang bumukas ang pintuan, si ate at abot langit na naman ang ngisi ng loka-loka.

Mag ra-rant na sana ako sa kanya dahil sobrang tagal nito nang mapansin kong hindi ito nag-iisa, namilog ang mga mata ko sa hindi inaasahang bisita. OMG! Pwede bang mahimatay ulit?

"Hi Stella, I'm glad your ok"

Lumapit sya sa akin kaya ang lola nyo nakatulala, jaw drop bes!

"By the way I'm Dominic"

At inilahad nito ang kamay sa harapan ko.
Oh gosh, I'm dead..



















I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now