"You're just too beautiful to be true.."A-ano raw?
"H-ha?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko😱
"It's not my fault kung bingi ka" poker face na sabi nito.
Sarap sapakin! Is he playing with me?! Humanda ka sakin mamaya, tingnan natin kung hindi mo ulitin ang mga sinabi mo😒.
Tiningnan ko siya ng masama. Marami na ring pares ang nagsasayaw kaya hindi nila mahahalata kapg sinapak ko ang lalaking to😈
"This is enough, I'm tired" Aba! Dialogue ko yan ah😬
"Bahala ka sa buhay mo!" At yun naghiwalay na kami ng landas, tse!
Bumalik ako sa table namin, buti naman at wala na yung Jessica! Inisang lagok ko yung inumin ni Mae, shit ang pait! Ayun inubo ako, tanga lang.
"Uy, anong nangyari sayo? Bakit beastmode ka dyan?" Nagtatakang tanong ni Mae.
Itanong niyo sa lalaking yun! Sabay turo sa direksyon ng kung saan ko huling nakita si Dominic.
"Eh, pano namin matatanong? Nakalingkis na yung ahas!" Naalibadbaran na sabi ni France.
Tengene, sabi niya pagod na raw yun pala makikipaglandian lang😤
May dumaang waiter na may dalang baso ng vodka, ayun bottoms up! Frustrating and confusing naman talaga yung pinapakita sa akin ni Dominic!
Muli akong tumingin sa direction pero wala na sila dun, nilibot ko ang paningin ko at nahuli ng mga mata ko na papunta ang dalawa sa indoor garden.
"Girls, maglilibot muna ako ha" paalam ko sa dalawa. Hindi ko na nakita ang reaction nila dahil mabilis akong umalis.
Susundan ko sila sa garden!Whaaa, ano ba tong gagawin ko? Tinablan na ata ako ng alak, hindi ko narin matandaan kung nakailang baso ako na bottoms up lahat.😩
Medyo dim lang ang light sa garden, ang ganda ng mga bulaklak😍. Kung sa ibang pagkakataon ay magse-selfie pa ako dito, but now I still have a mission to do.
"Dom! May history ba kayo ng babaeng yun ha?! Bakit ang sweet nyo ha?!" Galit na sabi ng malandi.
Dito ako ngayon nagtatago sa mataas na kumpol ng bulalak. Kitang-kita ko sila sa pwesto ko.
"It's just a show Jessica" mahinahong sabi ni Dominic. Ouch! Sakit nun ha😭.
"Huwag ka ng magkunwari Dom! Kitang-kita ko kung pano mo siya tingnan at ganon din siya sayo!" Umiiyak na ang lola niyo😒.
"I'm sorry Jessica" niyakap ni Dom ang babae💔
"Please Dom, huwag na huwag mo akong iwan please. Mamatay ako!" Ano raw?
"Don't worry, I won't leave you" na shock ako nang maglapat ang mga labi nila😱
Shit! Shit! Bakit ba ako nandito? Ang huling pagka-alala ko ay hindi naman ako masokista😭
"I love you Dom"
Hindi ko hinintay ang sagot ni Dominic at dali-dali akong umalis. Bakit mula nang bumalik si Dominic ay lagi nalang ako nasasaktan?
Pabalik na ako sa table namin nang harangin ako ni Michael. Isa ring singer-actor at minsan ko na ring nakasama sa isang music video ko.
"Stella, can I have a dance with you?"
Hmm, wala naman akong partner at walang magagalit😒.
"Ok" nauna na ako sa dance floor, baka kasi hawakan niya ang kamay ko. May reputasyon pa naman to na babaero. Tang inang buhay to oh! Wala bang matinong lalaki dyan? Iharap niyo sakin dali!
Napapitlag ako ng hawakan niya ang bewang ko, hindi talaga ako kumportable. Wala na rin akong nagawa kaya ipinatong ko ang mga kamay sa balikat niya.
"Stella, can I court you?" Sabi niya na titig na titig sa mukha ko. Walang bone ang dila ng lalaking to.
"Sorry ha, hindi pwede eh. Don't even try to include me sa mga collections mo Michael" diretsong sabi ko sa kanya. Ayoko sa mga ganitong klase ng lalaki, hmmp!
Nakita ko nagdilim ang mukha niya at mas lalo hinigpitan ang hawak sa braso ko.
"Ano ba Michael? Sige try mo lang akong saktan at magiging headline ka bukas" mariing sabi ko na mukhang nagpakaba sa manyakis na to. Ayun at biglang nag walk-out😁.
You're doing good Stella!
Isang lalaki lang ang binibigyan ko ng karapatan para saktan ako at si Dominic lang yun. Bigla akong nalungkot sa naisip ko😔. Time na siguro para kalimutan ko na siya totally.Wala sa sariling lumakad ako pabalik sa table namin ng may biglang humablot sa kamay ko. Tengene sino na na-
Nagulat ako nang makita si Dominic ang humihila sa akin palabas nga venue. Imbes na magulat ay hinayaan ko nalang siya. Pagod na ako, pagod na ang puso ko.
Nasa parking lot na kami banda nang huminto kami sa harap ng isang Ferrari. Kung hindi lang ako sa ganitong sitwasyon ay kanina pa ako napa "WOW, my dream car.
"Get in" wala na akong planong mag-inarte. Inalalayan niya akong makapasok, ang hirap kaya dahil sa gown ko😑.
Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kinakabahan ako sobra pero hindi ko pinahalata. Mas mabuti na to nang magkaalaman na kaming dalawa.
Nagulat ako na ang tinatahak naming road ay papunta na sa bahay, nang makalampas na sa subdivision kung saan yung bahay namin ay mukhang alam ko kung saan kami pupunta. Anong plano mo Dominic?
Ilang sandali pa at nakarating na kami sa resort. Ang resort kung saan gumuho ang ano mang bubuuin palang namin noon.
"Bakit tayo nandito Dominic?"
"Do you remember this place?" Mahinang sabi nito.
"Y-yes" pakiramdam ko ay maiiyak na ako. Sino ba naman ang makakalimot sa lugar na to? Paboritong puntahan namin ng pamilya ko ang lugar na to dati, pero napalitan ang lugar na ito ng masakit na alaala noong araw na yun. Mula noon ay hindi na ako napadpad pa sa lugar na ito.
And now we're here again, dala parin ang sakit ng nakaraan.
"I remember the day you told me that you're choosing your career over me, pakiramdam ko yun na ang pinaka malungkot na araw ng buhay ko. Pinilit kong kalimutan ka Stella, I tried really hard" nakita kong tumulo ang luha nito kaya tumalikod ito sa akin, omg! Ito na ang lalaking minahal ko😭
"When I saw you for the first time after 7 long years. I decided to win you back Stella" at tuluyan nang nabasag ang boses nito. Hindi ako makapaniwala sa narinig!
"Pero siniraan ka sa akin ni Elaine..." OMG...
"I have my own ways Stella and I'm sorry sa lahat ng masasakit na salita na nasabi ko sayo." Tuluyan nang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Jessica, she's so stubborn at times pero mabait siya. Nakilala ko siya nang nasa New York ako, we've been friends since that day. Two years ago ay nag confessed siya sakin na mahal niya ako. I cleared everything to her na hanggang friendship lang ang maibibigay ko sa kanya but last month lang nang ma diagnosed siya na may Colon Cancer and she only have 5 years to live"
Kaya pala sinabi ni Jessica kanina na mamamatay siya kapag mawala si Dominic sa kanya💔.
"I'm sorry Stella...I'm already committed and we will get married pagbalik namin sa New York"
Para yung sumabog na bomba sa utak ko, nanginginig ako..
Nanghihina ang tuhod ko..
Ang dilim...-----------------------
Hi readers! Sorry talaga but I need to do this, babawi ako sa inyo promise. 😭😭😭
YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
RomanceHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?