Chapter 30

650 29 29
                                    

Stella's POV

Malaki ang pasasalamat ko dahil mabilis kaming nakarating sa venue ng SC Annual Ball dahil hindi ko na talaga kaya...

Hindi ko na kaya ang katahimikan! Nabibingi na nga ako eh. Ano pa nga bang dapat e-expect? Na mag kakamustahan kami? You're dreaming Stella😒.

Pagdating namin sa hotel ay binagbuksan kami ng driver niya pero siya ang umalalay sa akin palabas ng Limo. Hmmp! Pakitang-tao, ang dami kasing press na nakaabang.

Halos masilaw na ako sa flash ng mga camera. Labag man sa loob ko ay ikinawit ko na ang kamay ko sa braso niya. Aba, ang lapad ng ngiti ng loko! Magaya nga😂.

Kung plastic siya, kaya ko rin makipag plastikan sa kanya😛.

"Dom and Stell, you both look amazing tonight! What can you say about your partner?" Tanong ng isang reporter na sa akin talaga tinutok ang mic, at ano namang sasabihin ko?

"Ahm, well Dom is handsome as ever😊" hala, bakit yun ang sinabi ko? Yan tuloy ngiting kabayo ang lolo niyo😒.

"As always talaga namang sobrang gwapo nitong si Dom. How about you Dom, what can you say about your partner tonight?

"Well, she look...just fine"
What the heck?! Yun lang ang masasabi niya sa akin??pinapausok talaga ng lalaking to ang ilong ko!😤

"Oh well, she's stunning!" Buti pa tong reporter na appreciate ang ganda ko.

Pagkatapos ng maraming katanungan pa from the press na mostly about sa kanya-kanyang career ay rumampa na kaming dalawa sa red carpet. Kahit sinong makakakita sa amin ay hindi aakalain na war kami ngayon.

Nasaan naba yung mga loka-loka kong friends? Magkasunod lang naman kami umalis ah, saan na kaya ang mga yun?

"Stella! Dom! I'm so glad nandito na kayo😊" masayang lumapit sa amin si Ma'am Claire. Nakipag beso din kami sa kanya. "Alam niyo, you look so good together!" StelDom shipper ata tong si Ma'am Claire eh😒.

Ngumiti lang si Dom kaya ganun din ang gagawin ko. Magiging gaya-gaya puto maya lang ako sa kanya ngayong gabi.😈

Hindi nakawala sa paningin ko ang malanding babae na Jessica ba ang pangalan nun? Kung nakamatay ang tingin ay siguradong naka bulagta na ako ngayon dito. Biglang may pumasok na plano sa isip ko😈

Hay sa wakas at nakita ko narin ang dalawa! I'm really glad na iisa lang ang table namin😥. Pero sa kabilang table lang yung malandi kaya hindi parin ako kampante.

Hindi nagtagal ay nagsimula ang program. Unang nagsalita si Mr. Lopez, ang may ari ng SC at sinundan yun ni Ma'am Claire. Pagkatapos ng speech nila ay sumunod ang cotillion ng ilang pares ng artista, ang galing!

Napansin kong tumayo si Dominic sa kina-uupuan niya. Hindi ko na sinundan kong saan siya pupunta, hindi ako interesado no!

"Uy Stel, grabe ha.. We still can't deny the fact na bagay na bagay talaga kayo😍" kilig na sabi ni Mae.

"Oo nga! Kayo talaga ang center of attraction ng gabing ito" segunda naman ni France.

"Hay naku, badtrip ako sa partner ko no!" And I told them the story kung pano kami mag plastikan ni Dominic.

"Hahaha, diba sabi nila, the more you hate the more you love!" Bulalas ni Mae at nagtawanan ang dalawa.

"Tsk! Ewan ko sa inyo!"

"Ladies and gentlemen,  the Couple of the Night goes to..." Nag a- announce na pala sila ng mga special awards.

Three times na ako nanalo ng Star of the Night dito😊. Malabo naman kaming manalo ni Dominic sa category na yan, puro lang kami ka plastikan mula kanina😒.

"Stella Racal and DOM!"
What the heck! Totoo ba to?

Nagulat ako nang biglang may humawak sa mga braso ko at inalalayan akong makatayo, si Dominic!

Lahat na yata ng mga mata ay nakatutok sa amin😱. Mula sa braso ay lumipat ang kamay ni Dominic sa mga kamay ko na sinundan ko ng tingin. Pwede bang himatayin bes??!!!

Nagpalakpakan ang lahat ng nandun nang makapunta na kami sa mini stage sa gitna ng hall.

"Congratulations!" Bati sa  amin ng mga big bosses namin at binigyan kami ng plaque  at may bouquet of flowers.

"Once again, let's give a round of applause to our our  stunning couple here!" At nagpalakpakan ulit ang lahat.

"Bagay!" Narinig kong sigaw ng ilang artista na naroon. Kaloka, bulag ata ang mga judges ngayong taon. Hindi talaga kami bagay sa special award na to no!

Sinulyapan ko si Dominic na ngiting-ngiti pa, tse!

"At this point, we will give the floor to our stunning couple here" what the F! Oo nga pala, ang couple of the night ang nag sta-start ng dance.
Omg! Keri ko to, keri ko to!

Nabigla ako nang hapitin ni Dominic ang bewang ko at ilapit sa kanya😱


Ang puso ko sheet!


We're dancing slow, para akong dinuduyan. Ano kaya ang iniisip ng lalaking  to?


Dumako ang mata ko sa sa table namin. Aba at naka thumbs-up pa talaga ang dalawa. Wala naman dapat ikasaya dito, this is all just for show😔


Nakita ko rin ang ang malanding babae sa katabing table. Plano ko talagang inisin ang babaeng yun kaya walang ano-ano ay medyo dinikit ko pa ang katawan ko kay Dom at binggo! umuusok na talaga sa galit😂. Yan ang bagay sayo bitch!


Bumalik na naman ang attention ko sa kasayaw ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko, shit! Nakikiliti ako! At nagulat ako nang biglang bumulong ito😱


"You're just too beautiful to be true"


A-ano raw?














---------------------

Whaaaaa, kinikilig rin ba kayo???? Haha para akong uod na binudburan ng asin😂

Marami pang mangyayari sa Ball na ito kaya abang mode lang😉 thank you for reading and godbless!

I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now