Chapter 24

674 26 8
                                    

France's POV

Sa maniwala kayo't sa hindi, nanalo ako sa isang raffle para sa concert ni Dominic!

Kakabalik ko lang kasi galing sa Cebu to check our branch there. Pagdating ko sa airport ay nadaanan ko ang mga nagkakagulong tao, isang airline company kasi ang na one of the sponsors ng concert ni Dominic ang nagpa-raffle sa mga parokyano nila eh sakto kakasakay ko lang sa plane nila! ililista mo lang ang name mo sa papel tapos ay bubunutin nila ang pangalan ng nanalo.

And I won VIP tickets for three! But why do I smell something fishy? Hmmmm🤔
Nevermind!

------------------

Stella's POV

"What?! Tatlong beses na kayong nagkita ni Dominic????😱" hindi makapaniwalang sabi ni Mae.

"Sorry ngayon ko lang na bring up to dahil busy tayo at sinadya ko talagang kalimutan😧"

"Naku, hayan ka na naman eh. Kinakalimutan daw pero lagi namang nasa isip" manunudyo ni Mae.

"Tigilan mo nga ako Mae, matagal na kaming tapos na kung tutuusin ay wala naman kaming nasimulan officially.. and besides...my girlfriend na sya😔"

"Eh hindi mo naman alam kung girlfriend nya talaga yung naglalandi sa kanya noh, malay mo, pinapaselos ka lang niya" kinikilig pa talaga ang isang to.

"Hello, bakit niya naman gagawin yun eh galit nga yun sa akin" Ah basta, I'll try my best na kalimutan ng lubos si Dominic Pascual.

Nagulat kami ng biglang pumasok si France, wala man lang katok😒

"Wow France ha, kapag ako inatake sa puso lagot ka sakin!" Nanggagalaiting sabi ni Mae, madali kasing magulat. Napaka sensitive sa paligid niya😂

"Girls!!" Excited nitong kinuha ang tatlong ticket sa bag niya at ibinigay sa amin. Hala, Ticket to sa concert ni Dom!

"Uy France! Saan mo naman napulot to? Don't tell me manunuod tayo ng concert niya? Naku, maging sensitive ka naman sa feelings ni Stella uy"

"Huwag ka ngang OA Mae😒, hindi ko yan binili no! I won that from a raffle promo😁. Sayang naman kung hindi tayo manunuod diba,  15 thousand kaya ang VIP ticket sa concert niya"

"Ewan ko sayo😑, anong masasabi mo Stel?"

"Hindi ko alam, ano ba dapat?" Naguguluhan din ako, manunuod ba ako?

"Alam mo bang nagkita na sila ni Stella, hindi lang once, hindi lang twice, but 3 times!" Ayun nag kwento na nga si Mae tungkol sa mga naging encounter namin ni Dominic.

"So meaning, may girlfriend na siya and that also means na naka move on na siya sayo Stel,  kaya dapat ipakita mo din sa kanya na naka move on kana rin.. Punta tayo sa concert niya!" pang e-engganyo ni France. Mukhang napa isip kami dun ni Mae  ah.

"Oh well, may point si France Stel. Hindi naman tayo pupunta dun para makipagkita sa kanya kundi manood lang ng concert" mukhang na convince nga si Mae.

"Hmmm, sige basta huwag tayong umupo sa bandang harapan" sumang-ayon din ang dalawa. Gusto ko rin mapanuod si Dominic, kahit naman anong nangyari sa nakaraan ay babalik at babalik parin ako sa pagiging fan niya.

-------------------------

Dom's Concert

"Back Where I Belong" ang title ng concert ni Dominic, ewan ko pero may kirot yun sa puso ko. Kung sana ako lang talaga ang reason kaya siya bumalik pero napaka impossible.

Huwag ka na ngang mag ilusyon Stella, pagkatapos nang sakit na binigay mo sa kanya ay wala ka ng lugar ni katiting sa puso niya. Pero nasaktan din ako! Pareho lang kaming biktima ng pagkakataon. But I need to sacrifice, at nagbunga naman  kaya wala akong dapat na pagsisihan at panghinayangan.

6pm palang ay nandito na kami sa MOA Arena. Ito ang first day ng concert niya. Nagtataka parin ako kung bakit ito ang pinili niyang date, masakit para sa amin ang araw na to 7 years ago.

Mga 6:30 ay nagstart na silang magpapasok ng mga tao sa loob. Gusto pa sana ng dalawa na sa second row maupo, pero na convinced ko rin na sa third row nalang.

Naka jeans lang ako at black  t-shirt with mask na pink. Disguise pa more Stella!

"Alam mo girl, masyado kang praning! Ang daming artista dito oh pero hindi nagtatago ng mukha" naiiling na  sabi ni France ng makaupo kami, natawa nalang si Mae.

Bale si France sa right side ko at si Mae sa left side. Nag kwentuhan nalang kami about sa business namin while waiting.

Iang sandali pa ay everyone gone crazy! Lumabas na kasi si Dom! Naka suot ito ng futuristic inspired costume with LED lights na na-highlight nang mamatay ang lahat ng ilaw. Siya lang mag- isa ang sumasayaw sa stage and he owned it!

...and then everthing went dark...

"Are you ready MOA Arena?" Sigaw nito kahit madilim pa rin ang paligid. Grabe ang crowd! Lahat na ata nagsitayuan sa sobrang excitement!

Sumindi ang isang spotlight na nakatutok lang kay Dominic and then he started his breakthrough RnB song na naging daan para sumikat siya ng husto sa US, ang "Break It To Me"

"Lahat ay natahimik ng kumanta na si Dominic, at nagsilabasan ng cellphone para ma videohan ang performance niya, at isa na ako dun 😅.

Nasundan pa yun ng dalawang hit songs niya. Grabe! The opening was so lit! Pang International talaga!

" Dominic! Dominic! Dominic!" Sigaw ng mga tao. Napangiti ako, his fans here will always call him his whole name😊, ang pangalang una nilang minahal.

"Thank you so much for coming and chose to be with me tonight!" kinilig ang fans kaya hayun grabe ang tilian, nakisali na nga tong dalawang katabi ko😒.

Nakita namin siyang kumuha ng guitar sa band sa likuran. Nakakatuwang makita siyang humahawak ng guitara, feeling nostalgic lang ang peg ko ngayon and parang maiiyak na ako😢

"My next song is for the girl, who broke my heart many years ago..."

Nagkatinginan kaming tatlo, a-ako ba ang tinutukoy niya? Nawindang din ata ang mga tao sa sinabi ni Dominic.

Eversince that day,  walang lumabas na balita tungkol sa nangyari and ang pagpunta niya sa US was the perfect escaped.

"Because of her, nasulat ko ang kantang to.."

"Stel, kinakabahan ako dito" bulong sa akin ni Mae. Pareho lang kami, sobrang bilis ng heartbeat ko ngayon😱

Nagsimula na siyang magtipa ng gitara..

"If you're watching right now, I know you still remembered what happened this same day 7 years ago"

Bigla akong nanlamig, ako nga ang tinutukoy niya!

I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now