Stella's POV
30 minutes na nalang and start na ang concert ni Dominic.
Kasalukuyang mini make up ako ngayon ni France. Nag presenta kasi itong dalawa na maging make up artist at stylist ko ngayong gabi na pinayagan naman ni Jemma. Jemma na ngayon ang tawag ko ngayon sa manager ko dahil masyadong formal daw kung may Ma'am pa. Wala pa talaga akong official make up artist dahil si ate Serena ang gumagawa, ang galing kaya ni ate😉
"Done! Ganda mo talaga girl!" Sabi ni France nang matapos na.
All set na ako, medyo kinakabahan lang ako syempre ito na yata ang pinaka malaking crowd na kakantahan ko.
"Alam mo Stella ang daya mo talaga, until now you're not telling us what really happened" nakasimangot na sabi ni Mae.
Maniniwala ba kayo na I didn't told them a bit of what happened sa Island na yun? Feeling ko kasi ay hindi pa pwede at kahit ako mismo ay hindi parin makapaniwala. Nagtampo nga sakin ang dalawang to kaya nga na guilty na ako dahil nandito parin sila para suportahan ako.
"Oo nga! Pagkatapos namin kayong maabutan na natulog kayong magkayakap sa tent ni Dominic, hmp😒" gigil na sabi ni France
"Sige na nga, since mamaya pa naman ako lalabas, I'll tell you what happened..."
Flashback
"Dom, i love you" kakatapos lang ng isang matamis na halik na pinagsaluhan namin.
Grabe! Nakakaloka ang first kiss ko! Ni hindi pumasok sa isip ko na mangyayari to promise😉.
"Stella, kaya mo bang hintayin ang sagot ko? I just want to make sure what I really feel towards you. Ayokong maging unfair sayo"
And he told me the story about Elaine, medyo masakit marinig ang lahat ng yun but I'm okay😊 ayaw niya daw na mag mukha akong rebound lang kaya gusto niyang makasiguro sa nararamdaman nya.Ngumiti ako, mag iinarte pa ba ako? Kayang-kaya ko mag hintay kahit ilang taon pa yan marinig ko lang ang 3 magic words.
"Yes Dom I can wait, ako pa! Hindi nga ako nagsawa sa kakahintay sayo ng dalawang taon eh😉" at napangiti rin sya.
"Thank you Stella, you know this really means a lot to me"
Marami pa kaming napag-usapan out of the blue, more on getting to know each other.
"Stel, ok lang ba if I hold your hands?" Natawa ako, e nag kiss na nga kami tapos hawak kamay lang ba.
"At bakit tawa ka ng tawa huh, baka gusto mo halikan kit ulit😚" mas lalo akong natawa dahil ngumuso pa ito na akmang hahalikan ako.
"No way! Masyado ka namang sini-swerte Mr. Dominic Pascual!😂"
"Ah ganun pala, humanda ka saki Miss Stella Racal!" Akmang hihilahin niya ako paupo nang tumakbo ako palayo sa kanya😁
"😜hindi mo ako mahuhuli Dominic!"
Ang sumunod na pangyayari ay naghabulan kami sa tabing dagat. Grabe ang bilis niyang tumakbo! Hindi nagtagal ay nahuli niya na ako.
"Whaaa! Ang daya mo, ang bilis mong tumakbo! Runner ka ba ha" sa halip na sumagot ay iniharap niya ako sa kanya, pareho kaming habol ang paghinga.
"Oo, kasi alam kong matagal na akong tumatakbo sa isip mo😁" hinampas ko siya at natawa ako bes!
"Grabe ha, hindi ko lubos maisip na ang isang Dominic Pascual ay mais din pala😂"
"Mais?" Nagtatakang tanong nito.
"Hahaha, mais as in corny!"
"Ah corny pala ha," aba ang loko kiniliti ako.
"Dom, stop!may kiliti ako diyan!" Sabi ko habang kinikiliti nito ang tagiliran ko.
"Sabihin mo munang gwapo ako😁" aba may topak yata to, kaya nga patay na patay ako sa kanya dahil siya na yata ang pinaka gwapong lalaki na nakita ko.
"Whaaaaa! Oo na gwapo ka na!" Ayun sa wakas ay tumigil din.
"Thank you, alam mo bang
sa lahat ng nagsabi niyan sayo lang ako kinilig" omg! Namula ako dun ha. "I really like it when you blush" nagulat ako nang bigla nya akong yakapin😱"D-Dominic😶"
"Soon Stella, soon"
Kahit walang label itong relasyon namin, ang importante ay nagkakaintindihan na kami. Handa akong maghintay at handa rin ako kung hindi man papanig sakin ang destiny..
End of Flashback
"No way..."
"O.M.G."
Sabay na bulalas ng dalawa, lahat na ata ng reaction nakita ko sa kanila while telling them the whole story😊"Whaaaaaaaaaaaa!!!!!!!"
Sabay nilang sigaw with matching talon-talon pa😒"Uy huwag nga kayong maingay, baka biglang pumasok dito ang manager ko" pagsaway ko sa kanila.
"Eh bakit kasi ngayon mo lang to kinwento girl! Alam mo bang hindi na kami makatulog nitong si Mae sa sobrang excitement!"
"Oo nga, we we're so puzzled"
"Sorry ha kung hindi ko to sinabi agad sa inyo kasi wala pa naman kaming label eh and besides hindi pa naman niya alam kung mahal niya na din ako" pagpapaliwang ko sa kanila.
"Kahit na ano, so anong plano niyo?" Tanong ni Mae, plan? Wala naman kaming pinag-usapan eh.
"Plan? What do you mean?"
"Loka to, syempre kung ihahayag niyo tong so called "mutual understanding" niyo sa madla, paano kung sugurin ka ng ibang fangirls niya?" Si France.
"Ano ka ba France, masyado kang nega eh ang babait kaya ng fans niya. Mas inaalala ko ang reaction ng management niyo Stel, diba iisang artist center lang kayo" may point si Mae, baka magalit si Jemma at ang ibang bosses, kabago-bago ko palang ay may ka relasyon na agad ako if ever, hmmm🤔
Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok, si Jemma.
"Stella, be ready, you'll go out in 5 minutes" sabi nito na nakapagpakaba sa akin.
"Omg girl it's your time to shine!" Excited na bulalas ni France.
"Stel, relax ka lang ha, huwag kang kabahan. Manunuod kami ni France alam naming kayang-kaya mo to!"
"Thank you sa inyong dalawa" niyakap ko sila at lumabas na ako, pumwesto na ako sa backstage dahil any moment ay tatawagin na ako ni Dominic. I heard him talking to his fans na hindi na wala atang kapaguran sa pagsigaw ng pangalan niya.
Nagulat ako sa sumunod na narinig ko..
"At this moment, I want to introduce to you this girl who is very, very special to me...please welcome, Miss Stella Racal!"
Omg! Sa sinabi niya ay para niya narin sinabing may namamagitan sa amin😱 Nakitang kong napatingin sa akin si Jemma na wari'y nagtatanong sa kanyang narinig.
I have no time to explain dahil hinila na ako ng staff papunta sa stage.
Paglabas ko ay tanging malakas na hiyawan ang naririnig ko at nakakasilaw na liwanag na nakatutok sa akin.
Nakita ko si Dominic na nakatayo sa gitna ng stage at hinihintay akong lumapit.
Nakangiti siya na parang nagsasabing magtiwala lang ako sa kanya...
YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
Storie d'amoreHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?