Stella's POVHigit one week na yata akong delayed!🙊
"Stel, wait lang ha. Bibili ako ng pregnancy test kit" wala sa sariling tumango nalang ako.
Ngayong araw lang naman ako nakaramdam ng pagsusuka pero ilang araw na rin akong nakakaramdam ng pagod at pagkahilo.
Hindi nagtagal ay dumating na din si Mae, sa labasan lang kasi ang drug store.
"Heto Stel oh, dalawa yang binili ko para makasiguro" sabi ni Mae sabay abot ng PT kit.
Naku, wala pa naman si Dominic dito. Ano kayang magiging reaction niya if ever? Mga 5 minutes akong naghintay. Kinakabahan man ay lakas loob ko nang tiningnan ang result.
2 lines... positive😱. Omg magiging Mommy na ako! Napaiyak ako samo't- saring emotions na nararamdaman ko. Masaya na kinakabahan at natatakot narin, ready na ba kami? Ni hindi pa nga kami kinakasal pero heto at buntis na nga ako.
"Stel ano na?" Hindi na siguro makapaghintay kaya pumasok na si Mae.
Ngumiti ako at pinakita sa kanya ang result. Namilog ang mata niya sa gulat at saya narin.
"Oh my God Stel magiging Mommy kana!!!!" At niyakap niya ako. "Teka at tatawagan ko si France... wait, bakit ganyan yung face mo? Hindi maipinta Stel" puna nito sa akin.
"I don't know kasi if ano ba dapat ang maramdaman ko Mae, especially now na wala si Dominic sa tabi ko" nag-aalalang sabi ko.
"Hay naku, problema ba yun? Edi ipaalam mo sa kanya now na"
"Huwag muna Mae, baka kasi bumalik agad yun dito. I'll tell him soon 😊" sabi ko para huwag na itong mag-alala.
Sasabihin ko kay Dominic kapag nakabalik na siya. Ayokong makaistorbo lalo pa ngayon na magiging busy na siya.
-----------------
Mabilis lumipas ang mga araw, 3 weeks na ang nakalipas mula ng umalis si Dominic pero hindi parin ito tumatawag. Anong nangyari dun? Hindi niya ba ako na mi-miss?
Kapag nag message ako sa kanya ay sini-seen lang niya. Kung hindi lang ako buntis ay malamang lugmok na lugmok na ako ngayon. Nagpapakatatag lang talaga ako para sa magiging anak namin.
"Girl! Nandito na ang cheese lumpiang gusto mo" kakarating lang ni France at Mae, kanina ko pa kasi gustong-gusto na kumain ng cheese lumpia.
Kapag may craving ako ano mang oras kahit madaling araw na ay hinahanap parin ng dalawa. Dito na nga sila natutulog sa unit ko mga 2 weeks na, para anytime daw mag crave ako ng something ay kalabitin ko lang daw sila at bibilhan nila ako. Sabi nga ng doctor ko ay ang aga ko daw naglihi pero ok na rin daw to para pagkatapos ng tri-mester ay huhupa na yung pag ke-crave ko, napeperwisyo ko na kasi ang dalawang to😔.
Buti pa nga si France at Mae, diba dapat si Dominic ang gumawa ng lahat ng ito? Siya dapat ang nag eefort para sa anak namin😒.
Naiintindihan ko naman na busy siya pero ni tawag o mag reply man lang sa message ko hindi niya magawa? Naiinis na ako!
"Oh bakit hindi na naman maipinta ang mukha mo buntit? Wala parin bang balita sa groom mo?" Tanong ni Mae. Umiling lang ako at kinain na ang dala nila.
"Hay nako ewan ko dyan kay Dominic ha pero hindi na yata tama na hindi ka niya kinakamusta man lang Stel" beast mode na sabi ni France.
Hindi na ako nag comment at pinagpatuloy lang ang pagkain.
Sarap na sarap ako sa kinakain ko nang biglang mag ring ang phone ko, whaaaaa si Dominic!
"Uy girl, tumatawag na si Dominic oh" tawag sa akin ni France ng mapansin nitong wala akong ganang sagutin ang tawag.
Naiinis ako eh! 3 weeks...3 weeks na tiniis niyang hindi ako kausapin kaya kaya ko rin na hindi sagutin ang tawag niya!!! Bahala siya sa buhay niya!
Hindi na nakatiis si France at siya na ang sumagot. Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil lumayo si France. Wala akong paki kong ano mang pag-uusapan nila😒
"Hehehe, ang buntit namin beast mode na naman😅" awkward na sabi ni Mae na parang natatakot pa na pagbuntungan ko ng inis.
"Wala na akong pakialam sa lalaking yun! Bahala siya sa buhay niya!" At nag walk out na ako. Whaaa, kahit ako ay hindi rin maintindihan ang sarili ko eh 😧. Matutulog nalang ako para mawala ang pagka bad trip ko.
--------------------
Mae's POV
"So anong sabi?" Tanong ko kay France. Kakatapos lang nila mag-usap ni Dominic. Ang tagal ng pag-uusap nila huh.
"I told him na buntis si Stella"
"What?! Bakit mo sinabi? Lagot tayo ngayon sa buntis😱"
"Hay naku, karapatan niyang malaman yun noh. Nagtaka siya na ako yung sumagot ng tawag at sinabi ko na beast mode ang bride to be niya dahil buntis! Ayun nawindang ang lolo mo, siguradong pabalik na ngayon yun dito😂" natatawang sabi ni France.
"Omg! Basta bahala ka kapag nagalit ang buntis ikaw ang ituturo ko😒"
Si France talaga oo, mas loyal pa ata kay Dominic kaysa kay Stella😑.
---------------------
Stella's POV
"Mae, nood tayo ng movie" yaya ko kay Mae, wala si France pumunta ng Baguio nagka problema kasi sa branch namin doon. Hay, nababagot na ako dito sa condo😩.
"Okay, what movie?"
"Gusto ko ng horror movie!" Excited na sabi ko.
"Alam mo ang wierd mong buntis, dati ayaw na ayaw mong manuod ng horror ngayon naman gusto mo na. Parang ayaw ko na tuloy mag-asawa. Mahirap palang magbuntis nagiging abnormal😲" OA na sabi nito kaya natawa nalang ako.
"Mag-asawa kana kasi bff para naka relate kana sa pinagdadaanan ko😂"
"Ayoko nga! Ayokong maging abnormal din noh"
"Haha, bahala ka kapag dumating na yung the one mo ewan ko lang kung hindi mo kainin yang mga sinabi mo" pang-aasar ko pa sa kanya na hindi na maipinta ang mukha.
Pagkatapos naming magkulitan ay nag decide na kaming umalis.
Nakasuot ako ng maternity dress, excited lang😁. Pero may mask ako ay cap, ayaw ko rin naman makatawag ng pansin at baka maging headline ako bukas "STELLA RACAL, HINDI PA KASAL PERO BUNTIS NA" nauna pa kasi ang landi Stella eh.
Papalabas na kami sa premises ng condo nang biglang nagpreno si Mae. Buti nalang at pareho kaming naka seatbelt 😱.
Napatulala ako nang makita kung sino ang dahilan ng biglaang pagtigil namin.
Si Dominic, may dalang bulaklak at nakaluhod sa daan 😱
---------------------
Hi readers! Sorry hindi ako naka update last night, hindi kinaya ng data ko😁.
Malapit na tayong matapos kaya kapit lang!
YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
RomanceHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?