Twentieth - Staring Game

2.5K 36 0
                                    

A/N: Play music at multimedia for better reading. AND! I changed Grey again. Super final na talaga. He will be Min Ho of Shinee. :D look at multimedia at side for Grey's look at staring game. XDD

Ry’s POV

Sabi ko na nga ba hindi na dapat ako pumunta dito eh! Bakit ba kasi ako pumunta dito? Urgh. Hindi naman kasi kakayanin ng konsensya ko kasi may kasalanan din naman ko kahit papano.

Hindi naman kasi ako ang sumunog ng gym diba?? Malay ko bang masusunog yun?

Ay leche, ang init! Naka long sleeves kasi ako. Wala, trip ko lang.

Hay nako Rylan, mag sorry ka na lang para tapos na.

*knock* *knock*

Unti-unti kong binuksan yung pinto pero nagsalita siya.

“Haha! May nakalimuta—“

Masaya siya eh! Narinig niyo diba? Tumawa siya! Hindi siya galit! Yes!!!

“Uhm… Yakult?”

Ito yung yakult na napasobra ko ng bili nung nakaraan. Siguro okay na rin ‘to pang peace offering.

“Labas.” Sabi niya.

“Ha?”

“Hindi ako marunong ng inchik-inchik mo kaya intindihin mo tong sinasabi  ko.”

 “Come on, listen you… ano nga bang pangalan mo? Anyway, panget, wala naman talaga akong kasalanan, malay ko ba—“

“Can’t you even be a decent person even for one second in your life, you dumbass? English yan! Ayoko sayo! Galit na galit ako! At hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sayo. Alam ko hindi naman ikaw ang sumunog ng gym, walang gustong may mangyari yun. Pero dahil sa kalokohan mo, muntik na akong mamatay!”

Galit talaga siya. She’s not even pissed off. It’s the first time I’ve seen her like this.

“Pano pag namatay ako? Mamatay na nga lang ako ni hindi mo pa matandaan ang pangalan ko! Pano pag hindi ako nasalba ni Grey? Takot na takot ako alam mo ba yun? Punong puno nako sa ka demonyohan mo, kaya tantanan mo na ako pwede?”

I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon