Fortieth - When Words Aren't Enough

1.6K 24 0
                                    

A/N: MyRa at MM! :))

Myko’s POV

“Hi, nakita mo ba si Haera?” tanong ko dun sa isang 1st year.

“Hindi po eh.”

“Ikaw, nakita mo ba siya?” tanong ko naman dun sa isang lalaking 3rd year.

Hindi ko alam kung ilang tao na ba ang natanong ko. Sa bawat taong nadadaanan ko, wala akong pinalamapas. Kulang na lang mag distribute ako ng flyers dito eh.

 Naku naman! San ba kasi tumakas yun?!

[Babes, nasan ka ba?]

[Hae, mag reply ka naman oh.]

[Babes…]

[Sorry na.]

Pa ulit ulit na akong nag text sa kanya pero hindi pa rin siya nag rereply.

Hindi kaya may nangyari na sa kanya?!! Potakshowwww!!

“Yung matangkad na magandang babae, yung sobrang ganda!” pina pa describe kasi sa akin nung isang 2nd year yung hinahanap ko kasi may nakita daw siyang babaeng umiiyak kanina na tumatakbo palabas ng school.

“Ah, yung mukhang artista po?”

“OO!!”

“Tapos hot yung katawan? Yung maganda ang legs?”

“Pucha, oo na! Siya yon! Nasan siya?”

“Hindi ko alam! Haha! Legs lang kasi niya tinitig—“

Hindi na ako nagdalawang isip na suntukin yung bastadong gago na yun.

“Hoy, anak ng patatas na mukhang dugong. Wag na wag mong babastusin si Haera kung ayaw mong maging pwet mo ang mukha mo.” Sabi ko sabay hawak nung damit niya.

Mga walang kwentang kausap! Babes! Nasan ka na ba?! T__T

*ring**ring*

[Myko!]

“Jianne! Bakit?”

[Si Haera…]

***

I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon