Grey’s POV
Haha! Tangina. Kinikilig ako ngayon. Bwiset. Pero totoo. Simula nung nangyari kay Ynna sa Korea, mas na realize ko kung gaano ko dapat pahalagahan ang bawat oras na kasama ko siya. ASDF! Para akong bakla. Ganto siguro talaga kapag in love, nakaka wala sa isip.
Nung narinig naming mula kay Ailee yung nangyari, at kung paano sinundan ni Ry si Ynna, wala na akong sinayang na oras. Ako yung tumawag sa mga pulis at nagpahanap sa kanila.
“Chocolate for you, Ms. Sunshine.” Sabay bigay ko ng chocolate flavored waffles. Dinala ko siya ngayon dito sa malapit na park. Sabi ng doctor subukan daw siyang paalalahin at dalhin siya sa mga lugar na gusto niya, o di kaya napuntahan. And I don’t think naman magugustuhan niya ang isang high-end na restaurant.
This place fits her more. Simple, bright and fun. ^_^
“Ah, eh. Thank you.” Mahiya hiya niyang sabi. Haha! Nakakatawa talaga siya, sa mga simpleng galaw niya lang, mas lalo akong nahuhulog.
Matapos maubos nung waffle, pumunta kami sa isang isawan sa kanto at kumain.
“Grey, pwede bang magtanong?” sabi niya.
“Basta wag mo lang itanong kung bakit sobrang ko, kasi indescribable ako.” I jokingly said. Nakita ko rin naman na bigla siyang natawa na halos malaglag na niya yung kinakain niya. Shet, pati ata puso ko nalaglag na.
“Ano ba ako noon? Nung nakilala niyo ako?”
“Ikaw?” nilagay ko yung kamay ko sa may baba ko na para bang nag iisip. “You were a loud mouth. Palagi kang maingay, hindi ka mapakali and minsan may pagkatanga kahit na matalino ka naman. You’re always in trouble, and I think ito na yung ikatlong beses na nagpa medical treatment ka.”
Medyo nalungkot yung mukha niya sa sinabi ko.
“Ahhh! Bakit ako ganon?! Uwaaaaaaahhhhhhhhhh!” Tapos ako naman yung natawa kasi kahit nakalimutan na niya ang alaala niya, ganun pa rin siya. Parang wala lang nagbago.
“Pero alam mo,” tapos tumingin siya sa mga mata ko na para bang nagtataka, “kahit na hindi ka mapakali, gusto kong sinusundan ka. Kahit minsan nawawalan ka ng common sense, hindi mo alam kung gaano mo napapasaya ang araw ko. Kahit maingay ka, hindi ko kayang hindi marinig ang boses mo. At kahit ilang beses ka pang mapasok sa gulo, tatandaan mong lagi akong dadating para sayo.”
Be brave, Grey. Pucha, pakakawalan mo pa ba ‘to?
“S-salamat talaga sa pagligtas sakin nung na kidnap ako. Utang ko yun sayo, di bale, babayaran talaga kita.”
Tinitignan niya ako sa mga mata ko, at kahit na mariin din akong nakatingin sa kanya, nalulungkot pa rin ako kasi may isang taong hindi nakakuha ng credit sa ginawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1663944-288-k632864.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
Roman d'amourAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...