Author’s POV
Magkakasama ngayon sa canteen ng AIA ang tropa kasama si Sandy, maliban na lang kay Ynna at Grey.
“Guys! I’m so happy to see you all again! Lalo na at tumatambay tayo ulit dito sa canteen! Naku! Namimiss ko talaga kayong lahat!”
Sobrang high-spirited ni Sandra. Ganito talaga siya mula noon. Masayahin, bubbly at mabait. Walang hindi gugustuhin siya. Pero sa panahong ‘to, tinignan lang siya ng mga kaibigan niya.
“Ah, eh, let’s go buy our food!” sabi ni Sandra.
Pero natahimik lang ulit ang tropa, at isa isa nilang nilabas ang mga baon nila.
“Nagbabaon na pala kayo ngayon? Oo nga naman! Mas masarap pa rin talaga ang lutong bahay, why didn’t we think of that before?”
“Sana nandito si Ynna, gusto ko pa naman maki share ng baon niyang
omellete.” Sabi naman ni Brian tapos ay bigla siyang siniko ni Myko.
Nilabas ni Haera ang baon niyang garden salad na siya mismo ang nagluto. “Kailan kaya dadating si Ynna? Niluto ko pa naman to para—“
“Wow! Hawaiian Salad! That’s my favorite! Pahingi naman Hae!” sabi ni Sandra.
Bigla namang sinara ni Haera yung baon niya. “I’ll just give this to Ynna later.”
Natigilan naman si Sandra at napaupo na lang ulit. Nasa tabi naman niya si Ry na tahimik lang.
“Ynna, was she the girl I saw yesterday na kasama ni kuya?” tanong niya kay Ry. “Is she kuya’s girlfriend? You all seem to like her very much.” ^_^
Sa kabila ng pagtrato sa kanya ng mga kaibigan niya, nakangiti pa rin si Sandra.
“Ynna…” sabi ni Ry. Lahat naman sila napatingin sa kanya. “She’s not Grey’s girlfriend. She’s…” lahat sila, natahimik. Walang nagsasalita, nakikiramdam sila kay Ry at sa isa’t isa.
“She’s our friend.” Pagdugtong ni Ry.
Sa sinabi niyang yun, napatayo si Myko. Halatang galit ito kasi nakasara ang mga kamay nito at sobrang nanginginig.
“Ry, pwede ba tayong mag usap?”sabi ni Myko.
“Sure.”
Umalis sina Myko at Ry, at sinundan naman sila ni Brian. Natira na lang ang mga babae sa mesa.
“Ailee, samahan mo ako sa clinic, please?” sabi ni Sophie kay Ailee.
“Ate…” nag iba ang mukha ni Ailee, pero pinilit siyang kapatid na samahan ito dahil nararamdaman niyang hindi na rin nakapagtitimpi si Ailee. Nung umalis sila, si Haera, Sandra at Jianne na lang ang natira.
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...