Ynna’s POV
Nagising na lang ako kasi naramdaman kong kumati yung buhok ko. Pakshet. May kuto nanaman ba ako?!
“Urghhhhh.” Pag ungol sabay kamot ng ulo ko. Buti na lang hindi ako nalaway. -_- Pero ang sakit ng leeg ko ah? Ang hirap palang matulog ng ganitong posisyon.
Tumingin ako kay sungit pero natutulog pa rin siya. Hinawakan ko yung noo niya at buti naman bumaba na yung lagnat niya.
“Anak ng!!! 8 am naaaaaaaaaa!!!” May pasok pa ako!! Pati na ang sungit na ‘to! Pero hindi ko naman siya pwedeng gisingin kasi nga may sakit diba? Pero ako late naa! Lagot na! May quiz pa naman kami sa Geometry! Huhuhu.
Mag-ayos ka na Ynna! Dali! Dali! Naku patay ka na talagaaaa! >__<
“Where are you going?”
Napalingon naman ako nung nagsalita siya. “GISING KA?”
“No. I’m sleep talking.” -_-
“Ah. Ge. Bye!” Kahit kelaaaan! Kung wala ka lang sakit!
“Wait,” tapos nung tumingin ako sa kanya, nakayuko siya. Anyare? “It’s a Saturday.”
Ay anak ng. Sabado nga pala. Walang pasok. -__- Nice one, Ynna.
“Ah, eh—uuwi na rin lang ako! Kasi ano… basta! BYE!”
Ano baaaa! Uuwi na sana ako ng hindi niya alam na nandito ako kasi nakakahiya naman diba? Feeling naman ako na nag-aalaga sa kanya. Tapos aawayin nanaman ako kaya mabuti pa umalis na lang ako.
“What?” tanong ko. May sinabi kasi siya pero hindi ko narinig.
“I’m hungry.”
***
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...