Fourteenth - Mojo

2.2K 29 0
                                    

Ynna's POV

“Ynna!!! Welcome back gurl! Pa amoy nga??? Nakakaloka ka girl! Amoy mayaman ka na ha!”

Bungad ni Stella sakin pagpasok na pagpasok ko ng room namin. Yep, nagbalik na ako sa lumang public school ko. Masaya rin naman ako, pero mas nalulungkot ako kasi namimiss ko na ang AIA.

“Loka loka. Anong amoy?  Eh isang linggo lang naman ako dun. Teka teka nga…” sabay tayo ko sa gitna ng classroom, “Oy! Eto na yung pirma ng mahal na prinsipe nyo!!” Sabay wagayway ko nung maraming signed bond papers na halos pagkatulakan ng mga mahaharot kong kaklase. Buti na lang di ako na-stampede sa pang-aagaw nila. Pero mas mahalaga… MAY PERA AKO! MWAHAHAHA. XD

---

2 weeks later…

Lumabas na ako ng room. Dismissal na rin kasi at wala na akong gagawin sa school, at isa pa, ilalakad ko pa uli ang aso ni Bruno sa may park.

“Ynna, may artista ba?”

“Ha?”

“Sabi ko may artista ba?”

“Ha?”

“Tumigil ka nga diyan sa kaka HA mo! Tinatanong kitaa ehh” >__<

“Eh di kita ma gets eh! Bakit ba?”

“Eh kasi tignan mo yun oh!” sabay turo niya dun sa may gate, kasi may nakatumpok na mga girls na nagsisibulungan tapos yung iba e nagpipigil pa ng sigaw.

Eh, sa pagka chismosa din namin, lumapit kami dun sa maraming tao tapos halos maputol na yung leeg ko kaka-silip kung sino man yung dumating. Kung inaakala nyo na tatabi yung mga tao dahil sa dumating kami e mali kayo kasi sa pelikula lang nangyayari yun. =__=

“Halika na nga Stella, walangya di ko rin Makita eh.”

“sandali na lang! Saka hindi rin naman tayo makaka daan kasi natatakpan nila yung daanan eh! Malay mo si Enrique Gil yan o si Daniel Padilla! OMG GIRL!”

“Hindi yan! Kung si Enrique yan dapat tinext nya ko na pupunta siya!” tapos hinila ko na para matahimik na. Nakakainis eh. Mala-late nako kay Bruno. =_=

Dahil nga sa hindi kami makadaan sa gate, napagdesisyunan naming na mag over the bakod na lang, total hindi naman ganun ka taas, tsaka hindi rin malayo sa gate, para ba maka-daan na lang sa kahit anong paraan.

Naunang tumalon si Stella, sumunod naman ako, pero medyo nasingit yung dulo ng palda ko sa kung ano sa bakod kaya nang sinubukan kong alisin eh naramdaman ko na lang na tiyak na mahuhulog na ko.

O___O

I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon