Ninth - *Bike*

2.9K 44 2
                                    

Sophie at MM. :)


Ry’s POV



Alam ko na kung anong tanong niyo.

   

    A.      Sino si Sophie?

    B.      Sino si Sophie?

    C.      SINO SI SOPHIE??


Ewan. De joke. Basta ayaw ko magkwento. Abangan niyo na lang pag dumating siya. Grrr. Nangingilabot ako! LORD NAMAN! LAKAS MONG MANG ASAR E! WALA NA BA TALAGANG FREEDOM SA MUNDO??!



Hay nako. Makauwi na nga lang. Pumunta ako sa parking area para kunin ang car ko. De joke. Wala akong sasakyan, este meron pala kaso hindi ko ginagamit. Mas trip kong mag bike papuntang school. -__- Pake niyo ba? E trip ko e, walang basagan. Bawas bawas sa air pollution.



Pagdating na pagdating ko sa bahay , sino pa bang sasalubong sakin. E di ang makulit kong nanay. Ewan ko ba dito, asal bata. -__-



“Chi! Welcome home anak! How was school? Okay ka lang ba? Wala bang nang bully sayo dun? Balita ko may naka away ka daw na babae?”




Eto yung nanay ko, ang lakas ng radar grabeee. Mas malakas pa ang connection nito sa connection ng Smart, Sun o Globe. Bakit? E bat hindi e may nagsusumbong eh. Yung nanay ng hayup na Grey na yun. Bestfriends sila ni mama. Kaya kahit ayaw ko sa lalaking yun, pinapakisamahan ko. Bakit ayaw ko sa kanya? Wala lang. Angas e. Kala mo sinong presko pangit naman. -__-




Habang kinakapkapan ako ni mama sa katawan dahil daw baka may nabali akong mga buto, pumasok na kami sa bahay. Nilagay ko yung gamit ko sa sofa pero si mama hindi pa rin ako tinatantanan. =__=




“Ma! Ano ba? Wala nga sabi e!”



“Anong wala? E amazona yung nakaharap mo!”


“Pano mo nasabi e hindi mo naman kilala yun??”



“Eh kilala ko sabi eh!” -3-




“Sabing hindi eh! Kulit mo ma!” sa sobrang asar ko pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig. *gulp* Ahhh, Sarap. Sana ganito ka presko ang buhay ko. Kasing kalma ng tubig, kasing lamig ng ref, kasing ganda ng—




“AY HALIMAW!” =__= sabay buga ko ng tubig.

I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon