Author’s POV
Maagang nagising si Ynna. Kahapon lang nangyari ang pag-uusap nila ni Ry, pero pinili pa rin niyang magising at pumunta sa AIA. Paglabas niya ng kanyang apartment ay naghihintay sa kanya si Stella.
“Ynna!”
Napalingon naman si Ynna sa kanya at kitang kita nito ang pag-aalala sa mata ng best friend.
“Ynna! Ayos ka lang ba? Narinig ko ang nangyari kahapon! Okay ka lang ba? Sigurado ka bang pupunta ka ng school ngayon??”
“May practice tayo diba? Hindi naman pwedeng umabsent and Salutatorian sa practice, ayokong magmukhang tanga bukas.”
“Ynna…”
Sa kabila ng normal na pakikitungo ni Ynna, mas lalong nag-alala si Stella. Anong klaseng babae ang magiging ganito ka tapang sa kabila ng lahat nang nangyari? Si Ynna lang yun.
“Wag mo nga akong tignan ng ganyan Ste.” Ngumiti si Ynna sa kanya. “Ikaw na lang… Ikaw na lang ang hindi nagbabago at nawawala sa buhay ko ngayon.”
“Friend…” Mabilis na napaiyak si Stella dahil sobrang naaawa at nasasaktan siya para sa kaibigan niya. “Bakit kasi kailangan mo pa silang makilala eh! Kung sana… kung sana hindi mo na lang sila nakilala. Kung sana… hindi ka naming pinilit noon na kunin yung fansign ni Ry. SINO BA SYA? Gago naman siya eh!”
Pilit na pinapahiran ni Stella ang luha niya pero tumutulo pa rin ito.
“Hindi naman siya gwapo! Gwapo siya… pero maraming mas gwapo diyan!” pagdugtong niya.
“Hoy, hoy. Iyakin… Ako ang iniwan, hindi ikaw. Tigilan mo nga yan!” sabay pisil ni Ynna ng mukha ni Stella. “Halika na, ma le-late na tayo!”
Mabilis na naglakad si Ynna habang nakasunod naman sa kanya ang kaibigan. Biglang nawala ang kaninang ngiti sa bibig niya.
Natural, sino ba namang g*ga ang matitiis na ngumiti matapos ang lahat nang nangyari? She was strong, but not strong enough. She was torn between being strong and being weak. In the middle, left alone not knowing what to do. If she was strong, she wouldn’t be crying. She would have moved on like nothing happened at maging masaya para sa kanila. But if she was weak, she’d have escaped. Lumayo sa lugar kung saan wala na siyang kung sino man sa kanila na makikita.
But she can’t do any of it.
Wag mong hayaan makita ka niyang nahihirapan. Kasi mas masasaktan ka lang pag nakita mo siyang walang pakialam.
Pagdating sa practice, agad siyang sinabihan ni Sir J na ang class Salutatorian ang magsasabi ng Words of Welcome. Not that she minded, pero kasi ang pagwe-welcome, simbolo ng saya at simula. Anong klaseng welcome bang mabibigay ng tulad niyang gustong isara ang pinto sa buhay niya?
Magsisimula na daw ang practice at tinawag na lahat ng Senior students coliseum. Mabilis na nahagip ng mata ni Ynna ang pagdating ng barkada. Kumpleto sila, at nandun din si Sandra.
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...