Grey’s POV
“Because you’re a strong woman, I know you can get over this.”
“Sandy…” sabi ko. Nagkamali nanaman ako. I should have stalled her longer. Dapat hindi na ako pumayag na bumalik agad para maabutan ni Sandra ‘to. Kahit siya na lang ang wag masaktan sa lahat ng ‘to. “That’s—“
“They look like they’re going through so much pain, aren’t they, Kuya?”
Nagulat ako sa sinabi niya. This was not the reaction I was expecting.
Nakatayo kami ngayon sa gilid ng mall. Kitang kita at rinig na rinig namin sila habang nakatago kami.
“Sands let me explain…”
“You don’t need to. Alam ko lahat kuya.” Sabi niya habang nakatingin pa rin sa kanila. Maybe… maybe all of us were bound to hurt one way or another. “Narinig kong nag-uusap sina Ate Ji at Hae.”
“Sh*t.” I cursed. Like this was all a pretty piece of sh*t. Lahat na lang nang nangyayari, mali mali. It’s like everything’s taking the turn for the worst.
“This is because of me… all because of me.” At nangyari ang pinakatatakutan ko, na pati ang kapatid ko masaktan. Napaupo na lang siya sa lupa at umiyak. Nakatayo lang ako habang tinitignan siya dahil wala akong magawa.
I can’t tell her it’s all right.. because it’s not.
I can’t tell her to fight for Ry that’ll make us both of us happy, pero nasasaktan naman si Ynna.
I can’t tell her to give up on him dahil alam ko na hindi na niya kakayaning iwan si Ry sa pangalawang beses.
Lumuhod ako at niyakap siya ng mahigpit. This is what brothers are supposed to do.
“But what do I do, Kuya? Mahal na mahal ko si Ry. Pakiramdam ko sasabog ‘tong puso ko. Ayaw kong makasakit ng tao, pero nasasaktan din ako. Anong gagawin ko? Ano…” she repeated those words over and over again hanggang sa napagod na siya, pero umiiyak pa rin siya.
What do we do?
What should I do?
“Grey?”
Nung lumingon ako, isang pamilyar na mukha ang nakita ko.
“Ailee.”
“Anong--? Never mind that. I’ll get her home.”
Mukhang hindi naman ininda ni Sandra na kasama niya si Ailee kaya hinayaan ko na. I straightened myself to meet Ynna,but then I got a text from her na mauuna daw siya umuwi kaya sinama ko na lang sina Ailee at Sandra sa sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
Storie d'amoreAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...