A/N: Sinasabi ko ulit sa inyo, masarap umiyak sa araw na 'to! Kaya i play ang video sa multimedia while reading! :))
Ynna’s POV
”Did you hear the news? Ohmygosh. Rylan’s girlfriend from transfer class is the only daughter of STC Broadcasting Company’s CEO?”
“Yeah! I’m like so nagulat talaga!”
“Binuhusan ko siya ng orange juice noon! OMG. I should make it up to her!”
Kung makapagsalita ‘tong mga ‘to, parang wala lang ako eh. Sa kasamaang palad kasi, napadpad ako dito sa AIA Regular Students rooms, at as usual, wala nang ginawa ang mga tao dito kundi pagbulungan nanaman ako.
Noon, dahil sobrang hirap at pangit ko. Ngayon naman, kesho anak ako ng isang business tycoon.
Who cares? Wala naman akong pakialam sa pera ng papa ko eh. Ang importante nagkita kami ulit. Masaya na ako.
Masaya ba talaga ako?
It’s the very reason kung bakit ako napadpad dito sa A4-1. Hinanap ko siya. It’s been days mula nung nagkita kami ng papa ko, and ever since then, kahit nagkikita pa rin kami, hindi naming napag uusapan ang tungkol sa sinabi ng papa ko.
Medyo takot akong tumingin tingin sa paligid ng room nila. Naiilang? Natatakot? Nahihiyang mapag usapan? Hindi ko alam.
Inikot ko yung tingin ko at nakita ko nga siya sa usual spot niya sa pinaka right side ng room malapit sa window. Nagtatawanan sila nina Brian at Myko, at yung dalawang pang sina Gabby at Lex. Kilala ko pa rin naman sila kahit papano.
Pero maya’t maya, makikita ko siyang lilingon at titingin sa labas. Mga limang minute din siguro akong nanatili sa labas bago ako napansin ni Myko at tinuro ako kay Ry. I just waved my at hand at him tapos biglang lumiwanag yung mukha niya at lumabas ng kwarto nila.
“Bakit ka pa pumunta dito? Sana tinext mo na lang ako at ako na ang pumunta sayo.”sabi niya.
“Medyo nagsisi nga ako eh. Parang celebrity ako dito. Hirap sumikat!” pabiro kong sabi. Sige Ynna, itawa mo lang yan!
Ngumiti na lang siya sa sinabi ko.
“Pwede ba tayong mag usap?” sabi ko.
Naglakad kami papuntang stairway. Wala naman masyadong dumadaan dito kasi marami namang elevator ang AIA. Naupo kami sa staircase.
“Bakit hindi mo ako tinatanong?” sabi ko.
“Should I ask you?”
“Hindi naman. Kasi… ano… gusto kong malaman kung ano ang gusto mo—“ bigla akong napatigil sa pagsasalita ng bigla niyang nilagay ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.

BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...