Listen to Multimedia! :)
Ynna's POV
“Anong flavor yan?” tanong ko.
“Vanilla, sayo?”
“Strawberry!” Pagkasabi ko nun, bigla siyang lumapit sa ice cream ko at tumikim!!!
“Velasquez! Talaga?! Ang yuck mo!” sabay hampas ko sa likod niya. May laway ko na yun eh!! >_<
“A-ano ba! Aray! Stop it! Ynna!” pinilipilt niyang umiwas sa hampas ko pero hindi siya makaiwas—o parang hindi siya umiiwas? O_O “Tama na yan! Aray—ang sakit ano ba! Sadista!!”
Hahampasin ko sana siya nang sobrang lakas ng bigla niyang pinigilan ang kamay ko na nasa ere. Yung kabilang kamay ko naman hawak hawak yung ice cream ko.
“Bitawan mo yang kamay ko!” And I was growling at him. -__-
“Shiro.” [I don’t want to.]
“Nag e-alien ka nanaman. Hindi kita maintindihan kaya bitawan mo na yang kamay ko.”
“Why? You don’t like holding my hand?” sabay kindat niya sakin.
>////< Pakiramdam ko umakyat yung dugo sa ulo ko tapos sobrang namumula ako kahit hindi ko nakikita. Sheeeeeeet men. Kailan pa kaya ako masasanay dito? Uwaaaaaa. Nakakabaliw magpakilig ‘tong isang to eh. Tagos sa heart cells ko. Urgh.
“Manyak!” sigaw ko. Nung sinabi ko yun, napalingon siya sa paligid namin. Nandito kasi kami sa isang park. Medyo maraming tao, mga bata saka mga nag de-date rin. Bahala siya! Wahahaha!
“Yah. Tigilan mo yan, nakakahiya. Baka mapagkamalan talaga akong manyak dito. Alam mo bang walang hindi nakakakilala sa mukha ko kahit saan?”
At sa sinabi niya, I had a very bright idea. >:D
“Talaga? Masubukan nga…
Manyaaaaaaaaak!!!!!” Mauubos na yata yung boses ko sa lakas ng sigaw ko. Tapos lahat lahat ng tao sa paligid naming napatigil at nakatingin samin. >:D I’m such a monster. Hahaha!
“You’re really shameless aren’t you?” Pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. -__-
“Kaya nga sabi ko, bitawan mo na ‘tong kamay ko diba—“
“Mapapahiya na rin lang naman ako dito, bakit hindi pa kita isama diba?”
Natigilan ako sa sinabi niya. And he had this ‘WATCH OUT’ look. Lagot. Na activate ko ata yung natutulog na demonyo sa loob niya. Yung parang nine-tails ni Naruto. Uh oh.
“A-ano yan manyak ka?” Shet.
“I’m losing my control here, Ms. Song. Try saying that again and it’ll be the end for you.”
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...