A/N:
Hi! Tingin kayo sa right side ng screen niyo, may moomooo. Dejoke, papalitan ko po yung imaginary character si Grey. Gagawin ko na po siyang si Jonghyun from Shinee. Myahha. May plano kasi ako dun sa previous character na si Kai. :D Thank you!
Ynna's POV
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. TEKA? Baka gino-good time nanaman ako nito?!!!
-____-
“HAHAHHAHA! Akala mo magpapaloko ulit ako sayo?! Belaaaaat mo Grey!” Sabay dila ko sa kanya. Akala naman niya! Akala niya!
Akala…
“Grey?”
“It’s hard to believe isn’t it?”
Ang seryoso ng mukha niya. Kahit na nandito kami sa lumang play ground sa AIA, wala sa mukha niya ang kasiyahan. Shet, ano ba ‘tong na diskubre ko?
“Totoo? Pero bakit?”
“I had a younger sister…”
Had?
“…and Rylan and her were madly inlove. Kahit 15 years old pa lang si Rylan at 14 ang kapatid ko, pakiramdam nila, sila na ang magkakatuluyan sa huli. Alam mo yung tawag ni destiny? Yun yung sabi nila ang dahilan kung bakit bata pa lang pinagtagpo na sila. My sister never really liked Ry at first, pero dahil gustong gusto siya ni Ry, napa ibig din niya ito.”
“Pero, ang bata bata pa nila?”
“We were thinking the same thing. Akala naming ni Jianne, puppy love lang. Kaya pinabayaan na lang naming, total childhood friends naman kaming apat, kasama na rin si Sophie. But we were wrong.” Pinagalaw niya yung swing na sinasakyan ko, hindi malakas, tama lang para maramdaman ko ang hangin sa pisngi ko.
“Walang eda-edad sa pag-ibig. Sila ang nagpatunay nun. Pumunta si Rylan isang araw sa bahay at humingi ng permiso kay mama na pakasalan si Sandra sa hinaharap. That was how he was so madly in love with her.
“Sobrang tuwa ko syempre. Ang pinakamamahal kong kapatid, mapupunta sa best friend ko. Ano pa bang hihilingin ko?”
“Oh, ayun naman pala eh. Anong malungkot dun? Ang sweet nga eh!”
Ngumiti lang siya, at sinabing, “My sister cheated on Ry, then, she died a few months after.”
***
Naglalakad ako pabalik ng apartment ko. Ang bigat bigat ng paghinga ko. Grabe…
GRABEEEEEEEEE!AKALA KO BA COMEDY TONG KWENTONG TO?! BAT BIGLANG MAY GANITO!?
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...