Ynna’s POV
“Aw, aw, aw. Araaaay. Huhu. Ang sakit talaga.” T__T
“Just a bit more… there. Tapos na.” sabi ni Grey habang tinatapos yung paglalagay ulit ng bandage sa wrist ko na nasugatan dahil sa pagkaka handcuffs namin ni Ry.
“Thank you ulit ah? Hindi mo naman kailangan gawin ‘to eh.”
“It’s not because I need to, Ynna. It’s because I want to.” Tapos ngumiti naman siya ng nakakalokong ngiti niya na ewan ko ba kung bakit ginawa pani Lord kasi sobrang makalaglag panty talaga.
“Basta, thank you talaga.” Sabi ko ulit.
Habang nililigpit niya yung medicine kit, nagtanong ulit siya.
“Ano ba ang nangyari kagabi at nagka sugat sugat kayo ni Ry?”
Inexplain ko naman sa kanya lahat mula dun sa pagkakahiwalay namin hanggang sa pagkakagulong gulong at kung ano ano pang kamalasan na naranasan namin. Minsan nga naiisip ko, para kaming mga bomba na pag nilapit mo sa isa’t isa, kung ano anong kamalasan na lang ang nangyayari.
Kaya kung ayaw niyong mag end ang world, dapat wala na kaming exposure na magkasama ulit. -_-
“Damn,” hala? Galit?! “Sabi ko lagi na akong mananatili sa tabi mo, but when you needed me the most, iba yung kasama mo. I feel so pathetic right now.”
“Ehhh!Ano ka ba, hindi mo naman ako responsibilidad eh. Kaya ko naman ang sarili ko, ano ka ba!” sabay hampas ko sa kanya sa likod gamit ng kabilang kamay ko.
Nagulat na lang ako nung kinuha niya yung pinanghampas kong kamay at
hinawakan ito.
“When it was the fire, it was this hand. Tapos ngayon naman, yung kabila. That guy just causes you a lot of trouble, doesn’t he?”
“I know right.” Sabi ko. “He’s the King of Trouble!!”
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
Roman d'amourAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...