Ynna’s POV
At isa nanamang magandang araw sa AIA.
Bakit maganda? Kasi maganda ako! Haha. Chos. Pero yung totoo, maraming nagsabi sa akin na nag improve daw yung pagmumukha ko. Kumonti na yung pimples ko (halos wala na nga) at pumuti din ako. Nag curl din ng konti yung buhok ko dahil lagi akong sinasama ni Jianne sa mga pa beauty nila.
“Wow, Ynna! Iba tayo ngayon ah?” Gino
“Ha? Ah, eh…” sabay pa cute. “Hindi naman masyado.” *Insert beautiful eyes here*
Hahah! Hayaan niyo na! Feel ko na eh! This is it! Gumaganda na ako! XD
“Bro, si Ynna ba yan? Make over ah!” Brian
“Oo nga dude, sigurado ako magugulat si Ry nito!” Myko
Haha! Sa gandang kong ito ngayon, kahit na ang pinakamasamang budhing demonyo luluhod sa harap ko!
Pero syempre, yung iba eh puno na naman ng lait sa akin.
“Oh my gosh, ano bang klaseng drugs ang ininom niya?” Bitch #1
“Maybe she’s taking marijuana!” Bitch #2
“Maybe she’s making kulam to herself! Alam niyo ba na uso na ngayon na nagse-self medicate?” Bitch #3
Sasabat na sana ako ng biglang may dumaang bike lampas ko at papunta dun sa mga bitches na yun. Hindi naman sila nasagasaan kasi naka-ilag naman sila agad pero yung iniinom na chocolate drink ni Bitch #3 natapon sa damit niya.
“Sorry, I didn’t see you girls. Malabo kasi mga mata ko sa mga lamok eh. Alam niyo na, pests.”
“HAHAHAHHAHAHAHHAHA! Pets! Pets daw! Mga hayop! Hahaha!”
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...