A/N: Pretty Ailee at MM :)
Ynna's POV
“ANO ‘TO?!” sigaw ko. Hindi sabi, sigaw.
Eh bakit ba naman kasi! Dinala lang naman ako sa ibang apartment! Halos agawin ko na yung gamit ko mula sa kanya, kaso sobrang lakas niya at hinatak lahat pati na rin ako at dinala ako ditto T__T
“Hawla mo.”
“Sabi mo?!”
“It’s only fitting for you to stay here. Wild animals aren’t supposed to be running about on their own.”
Nilagay niya yung mga gamit ko dun sa isang sulok tapos binuksan yung curtain.
SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEET!
Na amaze ako sa nakita ko. Nung binuksan niya yung curtain, ang daming bulaklak ang nakita ko. Iba-iba, sobrang makulay. Yung para bang pagbukas mo, pakiramdam mo walang mali sa mundo. Parang lahat maganda, lahat makulay.
“Pasalamat ka binigay ko sayo ‘tong hideout ko. May utang ka nanaman sakin.”
“Hep hep! Anong utang e hindi ko naman hiniling na dalhin mo ko ditto ah! Kinaladkad mo kaya ako!” -3-
Naglakad siya at pumunta dun sa may sofa sa gitna ng kwarto at humiga habang nakalagay yung dalawa niyang kamay sa likod ng ulo niya. Tapos, tinignan niya ako.
“Kinaladkad, kinidnap, minartial arts, o pinalipad man kita papunta dito, you have no choice but to stay here. Wala ka na ring pupuntahan kasi ibebenta na yung dati mong tinitirhan.”
Ano? Ibebenta? Bakit wala akong alam dyan? O_O
“At bakit mo naman alam yan? Mga gawa gawa mong demonyo ka! Tsaka nasan ba ‘tong impyerno mo ha?” sabi ko habang tinuturo turo siya. Ay leche. Baka wala pang isang araw masunog nako ditto. Urghhhhhh
“This place is a 5 minute walk from our house. In fact, yang garden mula sa bintana nakikita mo, garden namin yan sa likod ng bahay. You’d have to go around for 5 minutes para makarating ka sa front gate.”
IKAW NA MAYAMAN! Anong bahay aabutin ng 5 minutes para lang makapunta sa harap?! =__=
Bigla syang tumayo at naglakad papunta sa pinto.
Aalis na siya? Awww.
=__=
“One more,” sabi niya habang nakatalikod,”Don’t go about going on dates with losers. Everyone knows na girlfriend kita, pag nakita ka pa nilang may kasamang iba, baka isipin nila wala nakong natira tirang class sa balat. Ginirlfriend pa nga lang kita, nawala na dignidad ko.”

BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...