Ynna's POV
Lunchtime.Nakasubsob lang ako dito sa desk ko. Wala akong ganang kumain e. Ano? Yung katabi ko? Ayun pinatay ko na.De joke.Umalis, ewan ko san pumunta.
“Ynna! Lunch tayo!” sabi sakin nina Carla at Mae.
“Sige, wala akong gana e, kayo na lang!”
“Ynna! Ynna! Ynna!”
ARAY HA? Maka sigaw ng pangalan ko??
“Yah, totoo bang kayo na ni Ry?! As in sure?? Pano? Bakit? Pano??!”
Eh nasubsob nga yung ulo ko sa desk kaya naglean ako kung san nakaharap si Ailee.
“Sa kasamaan palad? Oo—ARAY! Bakit mo ko hinampas?!”
Walanjo. Binatukan ba naman ako?! Ang sakit nun ah!
“Ehe! Sorry!” ^^V “eh kasi naman kinikilig ako e! Akala ko kasi talaga tatanda nang binata yun! Sa dinami dami ba naming babaeng nagkakagusto dun wala naming pinapansin yun. Yeee~ ikaw lang pala kelangan nun eh.”
Patuloy akong inaasar ni Ailee pero dahil wala ako sa mood e nakikinig lang ako at panay sagot ng “oh” “uhm” at “ah” habang nakasandal pa rin yung mukha ko sa desk. Di nagtagal nakita kong pumasok si Grey sa room.
“MABUTI PA SI YNNA AT RY, NAGKAKA HAPPY ENDING NA. EH YUNG IBA KASI EWAN NA LANG. ANGMANHID MANHID KASI.”
O_O
“Hoy Ailee! May pinariringgan ka ba o ano?! Ang lakas ng boses mo!”
“EH ANO NAMAN NGAYON?” sabay lingon kung nasaan si Grey. “ALAM NA NAMAN NG LAHAT NA KAYO NA EH. DI TULAD NG IBA DYAN.” Tapos tumingin ulit sakin. “Ynna, ciao! Mauna nako, Ang sama ng hagin ditto e.” -__-
Tapos ayun lumabas na! Teka, ako lang ba ang may hindi nalalaman dito? Pansin niyo rin? Napa-upo ako sa upuan ko dahil sobrang hindi ma process ng utak ko kung ano yung pinagsasabi ni Ailee ng biglang tumayo sa harap ko si Grey habang nakapamulsa. Shet. Bakit ang gwapo niya?!
“I heard. Congrats. Hindi ko inexpect na may gusto pala kayo sa isat isa.. Haha.”
TEKA! TEKA HINDEEEEEEEEEEE!!! WALA AKONG GUSTO SA KANYAAA!!!!!
“Ano…hindi ko nga rin alam e.” LORD. PAKAMATAY NAKO PLEASE? T__T
“I guess hindi na matutuloy yung date natin, baka magalit boyfriend mo.”
Ay! Yung date naming! Teka, eh bakit naman siya magagalit?! Kailangan ko lang maghanap ng excuse na maiintindihan ni Grey para sumama ako sa kanya, wala naman yun sa sungit na yun. HAHAHA.
“H-hindi! Okay lang! Ano…kasi…”
“Talaga? Okay lang? Settled then. Saturday, 2 pm. Sunduin na lang kita sa apartment mo.” ~_^
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomansAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...