A/N: Kyaaaaaaaaa! Chapter 1 na! Sana magustuhan niyo ang shungang storya na ito na resulta ng kabaliwan ko sa buhay. Wahahaha~
SNSD's Kim Tae Yeon as Ynna Kylie Song
Pinalitan ko nga pala ang imaginary character ni Ynna. Nilagay ko kasi nung una si Dara kaso I changed it. WAHAHAA,
Yung pic sa gilid is Taeyeon, but I wont post a beautiful picture of her muna kasi nga panget 'daw' si Ynna diba? Wahaha~ (Kahit na ang ganda na niya sa pic na yan. Kalurkeeey~ )
Enjoy!
______________________________________________________________________________
*Buhay Daga*
Ynna's POV
"Ynna! Kakaalis lang nung mga customer dun! Linisan mo na yung mesa!"
"Opo! Opo! Nandyan na!"
"Manang! Penge ngang isang kaha ng beer dito!"
"KUNIN MO MAG ISA MO!" Nakakabanaaaaas! Badtrip 'tong araw na 'to! Epic fail nako kanina sa quiz ko sa Physics dahil sa... basta! Tapos utos pa ng utos mga tao dito tapos tatawagin ka pang manang nung isang kala mo maganda mukha namang pugita! Shet lang. =____=
Pumunta nako dun sa dirty table na linisan ko daw na utos ng manager ng bar na 'to na mukhang ulol na aso. HAHAHA. Bleh.
"Pst. Ynna." napalingon ako sa babaeng ngasalita.
"Oh? Bakit Tanya?" Si Tanya ay isang kasamahan ko din dito sa trabaho sa bar, pareho kaming mga night shift waitress dito kasi pareho pa kaming estudyante.
"Pinapatawag ka ni Boss sa office. Naku, ikaw naman kasi ehhh. Ako na bahal jan punta ka na lang dun." Ah pinapatawag ako ng aso! Sheeet baka kagatin ako magka rabies pako. Uwaaaa.
"Sige, salamat ha? Sabay tayong uwi mamayang 11 pm okay?"
"Ay sorry Ynna, hindi ako makakasama eh, nag overtime kasi ako dahil kailangan ko pera pampagamot ni Budoy kaya ganun. Ingat ka na lang pauwi ha?" Budoy?! Yung mukhang ulol na uso din na yun? Eh pineperahan lang siya nung BF daw niya eh. Pero 'tong isa baliw na baliw dun. Haaaay. Buti na lang ako walang kargo. Mwahahaha.
Pumasok na ko sa dog house, este sa office ng aso, este ni Boss pala at nandun siya sa swiveling chair niya at pinapaikot ikot ito habang naninigarilyo.
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...