Ynna’s POV
“Ynna? Ynna? Are you okay?”
Kamumulat ko lang at sobrang sakit ng ulo ko paggising ko. Ilang oras ba akong natulog? HALAAAAAAAAAAAA!!!!
“Late nako!!!” sigaw ko.
Aakma sana akong uupo mula sa higaan ko kaya lang sumakit ng sobra yung ulo ko at dun ko na lang na realize kung nasaan ako.
“What—“
Teka? Parang ang familiar ng scene na ‘to ah? Hmmmmmmm.
Ay oo!! Walangya -_- nung natamaan ako ng bola nung nasa stage kami ni Sungit—
Teka teka! Ba’t ang dami ko yatang naaalala? Meron pa eh…
Naiwan mo yung susi sa apartment… meron ako, nandun sa bag ko…naiwan sa locker room…
AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!
“Ynna? Ayos ka lang ba?!” Jianne
Nung natauhan ako…este, basta! Naliwanagan ako kung sino sino yung nasa paligid ko.
Si Jianne at Haera nasa right side ng kama, si Ailee nag aayos ng gamit sa parang cabinet. Tapos si Stella nag aayos ng mga prutas at kung ano-anong pagkain sa may side table.
“Bakit ako nandito?!” Seryoso, hindi ko alam. At na realize ko na hindi pala exaggeration ng mga tauhan sa teleserye na hindi naaalala ang nangyari sa kanila. I have no recollection whatsoever nang kung ano mang kadahalinan na pwedeng maghatid sakin dito.
Nahulog ba ako sa manhole? Nakakain ng lason? Nakagat ng aso? O baka naman hinalikan ni Prince Charming?! >___<
“Well,” pag salita ni Haera, “You were at the locker room kahapon and a fire broke out. Electrical wiring daw sabi nila. Kinabahan kami lahat alam mo yun!” T__T halos paiyak na sabi ni Haera.
“OO! Halos malaglag ang puso ko nung Makita naming nasusunog ang gym pero nung malaman namin na nasa loob ka, halos sugurin ka namin papasok ng gym! Waaahhhhhh! Akala talaga namin mawawala ka na!” T___T Ailee
“Teka teka, nasa locker room ako? Bakit?” Ah shet naman ohhhh. Someone please pakitapon ng bato sa ulo ko?!
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...