Grey’s POV
“Salamat ah? Hindi mo naman na kailangan gawin yun.” Sabi ni Ynna sakin.
“Hindi ko kailangan gawin yun… gusto kong gawin yun.”
Tinignan lang niya ako sa mata. Ilang araw na ang nakakaraan pero halata pa rin na hindi siya okay. Still, hindi ako mapapagod na pasayahin siya sa lahat ng makakaya ko. I brought her to the mall at nanood ng movie. Kahit na medyo wala naman akong naintindihan sa pinanood ko dahil nakatingin lang ako sa kanya, it felt good all the same.
“Let’s go?” aya ko sa kanya.
“Sige.”
Bumaba na kami sa parking lot para makauwi. Pero pagkababa namin, napatigil ako sa nakita ko. Naglalakad sa harap ko si Ynna, pero mukhang hindi pa niya napansin kaya ang ginawa ko, hinatak ko siya at niyakap para nakatalikod siya sa kanila.
Ayaw ko na siyang masaktan ulit.
“Grey… bakit?”
“Let’s just stay like this for a while.”
Natahimik naman siya. I cant even find the words to say. I want to comfort her, pero kahit ako nasasaktan dahil nasasaktan siya. I knew this would happen, pero hinayaan ko pa ring mapunta siya kay Ry.
“I shouldn’t have let go of you.” Sabi ko habang hinhimas ang buhok niya.
“Siguro nga.” humiwalay siya sa pagkakayakap ko at bigla akong kinabahan. Wag kang lilingon Ynna. Please.
Pero hindi na yun naiwasan. Kahit anong pilit kong protektahan siya, she always ends up getting hurt habang nakikitang niyang nakayakap ang kapatid ko kay Ry. Akala ko, iiwas siya sa nakita niya, but then I was surprised to see her walking towards them.
“Ynna…”
“Kapag tinitigan at nilapitan ko ba sila ng ganito, ma i-iimmune ba ako sa sakit baling araw?”
Habang naglalakad siya, sinusundan ko lang siya mula sa likod. Ni hindi ko alam kung umiiyak ba siya o ano. All I could ever do is stay behind and watch get hurt over and over again. Sh*t naman Grey, anong klaseng lalaki ka ba?
Ynna’s POV
Ano ba ‘tong ginagawa ko? Wala naman sa dictionary ko ang magpaka martyr ah? I’ve always hated na pinagmumukha akong tanga. Pero ngayon, I’m making a fool out of myself.
Naisip ko, siguro, parang dengue lang ‘to. Kapag sobrang sinaktan ko yung sarili ko, hindi na ulit ako makakaramdam ng ganitong sakit sa susunod na mga araw. What could get worse than this?
Meron pa pala.
Nung medyo malapit na ako sa kanila, she tiptoed at hinalikan si Ry. P*cha. Hindi hinalikan, naghalikan pala sila. It’s one thing to be wanting it alone, and wanting it together.
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...