A/N: Iki clear ko lang sa previous chapter, oo ATE talaga ang tawag ni Ailee kay Sophie. Mas matanda si Sophie kay Ailee pero 1 year lang naman.I'll explain the details as the story progresses. Haha! Naguluhan kasi ako kaya humanap ng lusot. :DDD
Ciao!
Ynna's POV
One week na simula nung lumipat ako sa bagong apartment ko… na apartment niya… na akin, pero sa kanya… ah basta! Tapos paggising ko kaninang umaga, nakita ko nanaman ang puting kisame ng sala at ang mahal kong puting sofa na sumasalo sakin kapag sinalakay ng demonyo ang bahay na ‘to. Ang gulo! Akalain niyo! Bahay ko pero may susi siya?! Paano? Eto! Basahin niyo!
Flashback:
Hay nako, nakakapagod. Ilang araw ko na ring hindi nalalakad ang aso ni Bruno. Yun tuloy, hindi ako nakilala at nung kukunin ko na siya, bigla ba naman akong inatake! Pati puso ko inatake! Buti na lang naalala kong mag “meow”. Kung naaalala niyo, ang aso ni Bruno, parang alieng aso. Ke aso aso, nag ma-meow. Nakakaloka -_-
Kaya yun, punit punit yung damit ko pauwi, at dahil pagod na pagod ako. Dumire diretso na ako papasok ng apartment humiga sa kama ko at pumikit.
Ahhhhhhhhhhhhhhh. Ang sarap sa kama~ Ang sarap ng unan. Tapos ang bango bango~ Niyakap yakap ko yung unan, iba talaga pag mamahalin yung kama. Amoy mayaman din. Muahaha.
“What the ****?”
SHET. Nagsalita yung unan!
Namulat ako.
HINDI SIYA UNAN!!! AHHHHHHHHHH!
“A-a-a-a-nong ginagawa mo sa k-kama ko?!” napatayo ako tapos kinuha ko yung flower vase na nsa side table.
“Kama mo? Technically, kama ko. Tambayan ko pa rin ‘to kung kelan ko gusto.” Tapos kinuha niya sa bulsa niya yung susi na kapareho nung ibingay niya sakin.
“E saan ako matutulog?!”
“Dun ka sa labas. Sa may sofa. Shoo!” tapos winave wave niya yung kamay niya parang pinapalayas ako.
AHHHHHHHHHHHHHHHH! Nakakainis siyaaaaaaa!
Pero infairness, and bango niya. -3-
BINABASA MO ANG
I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)
RomanceAkala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfriend niya? Magiging Full Time ba ang kamalasan ni Ynna o magiging full time na rin ang buhay pag-ibi...