Fifty-fifth - This Was My First Love

3.7K 75 36
                                    

Author's POV

Naka-upo si Ynna sa study desk sa apartment niya. Iniisip niya ang mga nangyari kanina at ang napag-usapan nila ng papa niya. Umalis na ito at natulog sa isang malapit na hotel bago bumalik sa Korea bukas.

“Ahhhh! Matulog ka na Ynna! Tama ‘tong desisyon  mo. Tama ‘to.”

Napatayo na si Ynna at isasara ang kurtina sa bintana niya, pero sa hindi malamang dahilan eh napatingin siya sa langit.

“Ang daming niyo ngayon ah.” Sa kabila ng lahat, napapangiti si Ynna kapag napapatingin siya sa langit. Somehow, it made her feel na kahit ano kalayo ang ibang bagay sayo, napapasaya ka pa rin nila.

Talagang isasara na niya ang kurtina nung biglang may nakita siyang isang anino sa ilalim ng poste.

“Loko loko ‘tong ex ni Myka ah.” Tenant din sa apartment si Myka  at matagal na siyang sinusundan ng ex nito dahil sa isang malagkit na break-up. Matagal nang pabalik balik yung lalaki sa  labas ng apartment nila kaya hindi na nakatiis si Ynna  at lumabas para kausapin siya.

“Hoy, lalaki! Nakakatakot ka na! Ayaw na sayo ni Myka! Wag ka nga—“

Nakasandal ang lalaki sa poste. Naka uniform ito habang nakayuko at nakabulsa ang dalawang kamay. Nung nagsalita si Ynna, halatang gulat na gulat din siya.

“Anong—anong ginagawa mo dito?” sabi ng lalaki.

“Hindi ba ako ang dapat magtanong niyan?” Ynna sarcastically said. Well,medyo seryoso siya. Eh kasi naman, siya ‘tong napadpad sa lugar niya tapos ganun.

“H-ha?” napatingin naman si Ry sa paligid at mukhang na realize nito kung nasaan siya kaya medyo napamura ito at tumayo ng maayos. “Sh*t. Sorry.”

Agad na tumalikod si Ry at naglakad palayo.

Ynna’s POV

. “Sh*t. Sorry.”

Unti-unti siyang naglakad palayo. Ni hindi man lang niya ako tinignan. What was he even doing here? Hindi ko na siya kailangan makita. Now that everything’s settled.

Pero kahit ngayon na tinitignan ko ang likod niya, I wished… I wished everything would freeze for 5 seconds.

Kahit isang huling yakap na lang.

But I know that’s not possible.

Dapat na rin akong umalis.

“Chak… chakhaman.” [Wait.]

I froze. And I turned back.

“H-ha?”

Alam kong dapat ko na siyang kalimutan. Pero paano, when he still makes me nervous like this even when he’s 5 feet away.

I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon