Rio
Hi guys! Ako nga pala si Rio Lapitan, 15 years old, Grade 10, single, at syempre magandang bakla.
Hahahaha! Heto ako ngayon, naglalakad papunta sa bago kong nilipatang eskwelahan. Mayaman naman kami, pero dito ko kasi napiling mag-aral sa Peralta Academy. Naglalakad ako ngayon dahil nagdo-dorm ako, mga two blocks lang naman ang layo. Ang probinsya namin ay sa San Emilio, pero dito ako nag-aaral ngayon sa Banayoyo.
So, heto na, nasa harapan na ako ng school.
May nakatingin, may wala, at may iba na parang nandidiri dahil ang suot ko ay pinagliitan na at gusot-gusot pa.
Pero kebs lang! Ang mahalaga, makapag-aral ako.
Pumasok na ako, kagaya ng ginagawa nila.
Self-introduce daw!
Ako na ang magpapakilala.
"Hi! My name is Rio Lapitan, 15. Sana maging magkaibigan tayong lahat!"
Sabi ko, pero parang wala silang pakialam—may iba-iba silang mundo.
So ayun, hindi muna magle-lecture ang mga teacher dahil first day pa lang naman.
Trrrriiiinnnnnggggg!
Recess na, pero di ako magre-recess.
Maya-maya, may lumapit sa akin. Sa tantiya ko, bading din siya.
"Hi! Ako nga pala si Mark Joshua Castillo,"
sabi niya sa akin. Para di naman bastos, nag-hi din ako.
"Hi din! Ako nga pala si Rio,"
sabi ko.
"Hindi ka ba magre-recess?"
tanong ni Josh.
"Di na, wala akong gana,"
sabi ko.
"Sige, sasamahan na lang kita dito,"
sabi ni Josh.
So ganun, wala pa ring masyadong ginawa hanggang matapos ang araw.
Nagsiuwian na kami at nagpaalam kami ni Josh sa isa't isa.
Umuwi na ako sa dorm.
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Hayran Kurgu"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
