CHAPTER 8

2.8K 103 4
                                        

RIO POV

"Walang ya ka! Manloloko ka!!!"
sigaw ko, halos manginig ang boses ko sa galit habang hawak ang litrato.

"Ako? Lolokohin ka? Nagkakamali ka hindi kita kayang lokohin!"
paliwanag ni Xander, pilit na kalmado ang tono.

"Eh ano 'tong nakunan kong litrato na kasama mo ang babaeng 'yun?!"
Halos isampal ko sa kanya ang ebidensya.

"Baka kamukha ko lang,"
pabirong sagot niya pero lalo lang akong nainis.

"So ako pa talaga ang pagmumukhain mong bobo?!"
sigaw ko, napapikit sa inis.
"Ang kapal ng mukha mo! Bobo ka pala eh!"

"Maniwala ka sa akin, wala akong tinatago sa'yo!"

"Edi sino 'tong batang kasama ninyo sa litrato?"

"Hindi ko alam. Wala akong ideya kung sino siya!"
pagsisinungaling niya, halatang halata ko sa titig niya.

Huminga ako ng malalim, pilit nilulunok ang galit.
"Sana nga mali ako sa nalaman ko, Xander. Pero pag napatunayan kong tama ako... hindi ko na alam ang kayang kong gawin sa'yo."

Tahimik ako, kinuha ko ang maleta ko at nag-impake.
Habang nag-iimpake, damang dama ko ang bigat sa dibdib ko.
Na-realize ko na kailangan naming magbakasyon ni Andrie para mailayo ko siya sa gulo, at maayos ang plano ko.

"San kayo pupunta?"
tanong ni Xander mula sa likod ko, pero hindi ako lumingon habang nag-iimpake.

"Magbabakasyon lang kami ng anak mo, sa Ilocos Sur, sa kapatid ni Mama,"
sagot ko, malamig ang boses.

"Gusto ko sanang sumama, pero busy ako sa trabaho... basta mag-iingat kayo ha?"
sabi niya, kunwari concerned.

Busy? Wag kang mag-alala, pagbalik ko, hindi ka na magiging busy... kasi hindi na kita asawa.

"Okey lang. Pano ba 'yan, aalis na kami."
pekeng ngiti ko.

"Sige, hatid ko kayo sa airport,"
alok niya. Nag-nod na lang ako.

"Andrie, tayo na!"
sigaw ko, bitbit ang maleta.

"Yes Papa, I'm coming!"
Lumabas siya ng kwarto, excited.

Habang palabas kami ng bahay, bigla kong naalala ang mga masasayang moment namin nina Jhon at Andrie sa park...
Totoo, mahal ko pa rin si Jhon.
At kapag natapos ang gulong ito... baka may pag-asa pa kaming magsimula ulit.

XANDER POV

YES!!!
Magiging libre na ako!
Makakapag-spend ako ng time kay Sandria at kay Chris.
Pasensyahan na lang, Rio.

Hinahatid ko sila Rio at Andrie sa airport, kunwari concerned na asawa.
Pagkababa nila, nag-drive na ako pauwi.

Bigla akong nakatanggap ng text mula kay Sandria:

"Babe, punta ka dito sa bahay. May gagawin tayo. :-)"

"Sa bahay na lang hon," reply ko, at binagalan ang takbo ng kotse.
Tapos tinawagan ko siya.

"Hello babe! So sa bahay ko na lang tayo?"

"Yes babe, dun na lang tayo gagawa ng milagro,"
sagot ko, nakangisi.

"Okay, gagamitin ko na lang ang kotse ko papunta d'yan. Be ready."
nakakaakit ang boses niya.

"Yes hon, I'm super ready."
sabi ko, pilyo ang ngiti.

Pinatay ko na ang tawag at nagmaneho na pauwi — excited.
Wala na akong pake — plano ko lang makuha ang gusto ko.

Rio POV - ending teaser

Habang nasa airport, pinagmamasdan ko si Xander habang nagpapanggap.
Hindi niya alam, hawak ko na ang alas.
At pagbalik ko mula Ilocos Sur...
Doon ko sisimulan ang tunay na laban.


Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon