RIO POV
Nag-doorbell ako.
Napansin ko may kotse sa labas.
May nagbukas ng pinto.
"Sino po sila?"
tanong ng katulong.
"Si Rio po, heto yung boyfriend ni Jhon,"
sabi ko.
"Ah! Pasok po kayo,"
sabi niya, at binuksan ang pinto.
"Sir, nandoon po sa kwarto niya si Sir Jhon... may kasama po siyang ex niya o girlfriend niya,"
sabi ni manang.
Nagulat ako, wala namang nabanggit si Jhon sa akin kahit kailan. Kaya pinuntahan ko na ang kwarto niya.
Palapit ako nang palapit, at may naririnig akong mga ungol habang papalapit.
Ngayon, nandito na ako sa harap ng pinto.
Nanginginig akong binuksan ang pinto at talagang nanlumo ako sa nakita ko.
Nagulat silang dalawa.
"Rio!"
sabi ni Jhon, sabay tulak sa babae at dali-daling lumapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito, huh?!"
pasinghal niyang tanong.
"Sorry ha, papatawarin na sana kita... pero ako pa yata ang nasorpresa,"
sabi ko, sabay sampal sa kanya.
"I'm just here to say sorry. Pero it's okay, I'm gonna go now."
Aalis na sana ako nang...
"Sorry! Nabigla lang ako... wag ka nang umalis..."
sabi niya, umiiyak at niyakap ako.
Pero inilayo ko siya sa akin.
Tumakbo na ako papunta sa kotse.
At talagang hindi niya ako hinabol.
"Manong, paandarin na po,"
sabi ko.
At pinaandar na ni manong ang kotse.
Habang umaandar kami, hindi nakita ni manong ang truck sa harapan...
Nadisgrasya kami.
Ang huling narinig ko lang ay ang tunog ng ambulansya.
JHON POV
Hahabulin ko sana si Rio, pero pinigilan ako ni Sandria.
Sabi niya, kapag sinundan ko daw si Rio, magpapakamatay siya kaya natakot ako.
At tinuloy na lang namin ang ginagawa namin...
RIO POV
Nagising ako at nakita kong puti ang kisame, nasa hospital pala ako.
Nakita ko sina Mommy at Daddy na lumapit sa akin.
"Magbabayad siya!!!"
sigaw ko bigla. Napalitan ng galit ang pagmamahal ko kay Jhon.
"Magpahinga ka na anak, masama yan sa baby,"
sabi ni Mommy.
Nagulat ako, ang galit ko ay napalitan ng saya.
Totoo pala... nagkatotoo nga.
Pumasok ang doktor at ipinaliwanag ang lahat.
Meron daw akong female organ sa loob, kaya nabuntis ako.
Pero sabi niya delikado raw ito kailangan kong mag-ingat, dahil maselan ang pagbubuntis ko.
Kauna-unahan daw ito sa buong mundo.
"Ano na ang plano mo, anak?"
tanong ni Mommy.
"Tatanggapin ko ang offer ng kasosyo ni Daddy. Sa US na kami titira at doon itutuloy ang pag-aaral.
Babalik ako dito sa Pilipinas... para maghiganti sa lalaking yun."
sabi ko, may galit sa tono.
Nag-okay na lang si Daddy. Sabi niya kakausapin daw niya ang mag-ama para sabihing pumayag na ako, at sasabihin na rin ang sitwasyon ko.
MR. LAPITAN POV.. (Ama ni Rio)
Tinawagan ko ang kumpare ko para mapag-usapan ang deal.
Sinabi kong isama nila ang anak niya.
"Ano pong pag-uusapan natin?"
tanong agad ng anak niya.
"Pumapayag na ang anak ko sa deal natin,"
sabi ko. Biglang nagliwanag ang mukha nilang mag-ama, halata talagang may gusto ang anak niya kay Rio.
"Talaga?!"
tanong ng binata, nakangiti.
"Oo. Pero buntis siya. It seems awkward or weird, but it is true,"
sabi ko, diretso na.
"Ano po? Buntis siya?"
paglilinaw ng binata.
"Oo. Sabi nga ng anak ko, pupunta kayo sa US. Doon itutuloy ang pag-aaral at doon kayo magpapakasal.
Bantayan mo siya, dahil maselan ang pagbubuntis niya,"
sabi ko.
"Yes, I will do my best po,"
sagot niya.
"Okay, this meeting is done,"
sabi ni kumpare.
At nagsialisan na kami.
RIO POV
Talagang aalis na kami bukas papuntang US, para makalimot.
At babalikan ko yang Jhon Peralta na yan... para maghiganti ako.
Pumasok si Daddy, habang si Mommy naman naghahanda ng makakain.
"Okay na ang lahat, anak. Nakahanda na ang passport mo at lahat ng kailangan,"
sabi niya.
"Okay. Thank you sa lahat, Daddy and Mommy.
New journey, new life,"
sabi ko.
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fanfiction"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
