RIO POV
Natapos na kaming kumain ni MJ at napagdesisyonan naming uuwi na.
Napag-usapan din namin na magpapanggap ako na parang walang nakita.
Uuwi ako na parang wala lang nangyari.
Tumayo na kami mula sa aming upuan, at pagkatayo namin, nagsilapitan naman agad ang mga fans ko.
Medyo agaw-atensyon talaga kung nasa isang restaurant ka.
I hope di kami nakita ni Xander...
Kaya tuloy-tuloy na lang kaming naglakad palabas ng kainan.
XANDER POV
Habang kumakain kami nina Sandria at Chris, napansin ko na may nagkukumpulan sa loob ng restaurant.
Bakit kaya?
Parang... parang pamilyar yung mukha... si Rio ba yun?
Kinabahan ako sandali.
Pero imposible, kasi katatawag lang niya kanina, sabi niya may pupuntahan lang daw.
Kaya isinuplong ko na lang ang kaba ko at tinuloy ang pagkain.
Wala na kayong pakialam! Buhay ko 'to!
Yan ang biglang pumasok sa isip ko, pero binalewala ko na rin.
JHON POV
Nandito ako ngayon sa trabaho.
(Buti naisip pa ni author na bigyan ako ng POV! Hahaha peace author!)
Heto ako, abala sa pag-manage ng kumpanya para hindi bumagsak.
Pero kahit anong gawin ko, di pa rin mawala sa isip ko ang mukha ni Rio.
Yung Rio na masaya... dahil sa akin noon.
Kahit may anak na kami ni Sandria at kahit pinili na niya si Xander, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ko.
Siya pa rin ang Rio na minahal ko
Matatag.
Matalino.
Mabait.
Maganda... o gwapo? Ewan!
Matyaga.
At higit sa lahat, may pangarap.
Mahal na mahal ko pa rin siya. At alam kong di na mawawala yun.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan ang telepono sa bahay.
Buti nasagot agad, si yaya pala.
"Hello po," sabi niya.
"Hello, si Jhon ito, yaya. Kumusta sila Sandria at Chris? Bakit absent si Chris?"
"Ah, umalis po sila sir," sagot niya.
"Umalis? Saan sila pupunta? Sinong kasama nila?" tanong ko agad.
"Di ko po alam sir kung saan, pero may sumundo po sa kanila na lalaki."
Medyo nagtaka ako kung sino yun.
Pero baka kaibigan lang ni Sandria... baka namasyal lang sila.
Yun na lang ang inisip ko — at tinuloy na ang trabaho.
RIO POV
Papauwi na kami ni MJ ng bigla siyang nagtanong:
"So, anong gagawin mo?" tanong niya, na halatang may inaasahan pang kasunod.
"Aalamin ko muna ang lahat. Kung anong ginagawa nila doon... at kung anong meron sila.
I smell something fishy, eh! Gets mo?!" sabi ko sa kanya, in a pabebe serious tone, habang nakatutok ang paningin ko sa kalsada, baka mabangga kami, konsensya ko pa!
"Well, maganda yang plano mo," sagot ni MJ.
"Susuportahan na lang kita. BFF mo ako, ano pang silbi ko kung wala akong maitulong?"
Napangiti ako, at mas tumatag ang loob ko.
"Yeah, right. Kaya humanda yang Xander na yan...
Pag may nalaman ako na hindi ko gusto...
I swear to God, maghihirap siya ng todo-todo," sabi ko, sabay ngiti — na may halong demonyo sa labi.
At habang nasa byahe pa kami, nagkwentuhan pa kami ni MJ tungkol sa buong plano...
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fanfiction"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
