CHAPTER 12

4.6K 154 0
                                        

JHON POV

Pagkagising ko, ang una kong nakita ay ang anghel ng buhay ko.

Pagkatapos nito, balak ko nang sabihin sa tropa na itigil na ang pustahan.
Mahirap na, baka iwan niya ako, mamamatay talaga ako 'pag nangyari yun.

Niyakap ko na lang si Rio at hinila ko siya palapit sa akin.
Ang sarap talaga sa pakiramdam.

Ngayon, Sunday na, yayayain ko siyang magsimba.

Tinititigan ko siya habang unti-unti na siyang nagigising.
Ngumiti siya sa akin, ngumiti rin ako pabalik, tapos hinalikan ko siya, smack lang hahahaha.

"Ehhhh...!! Di pa ako nagto-toothbrush, kadiri ka!"
sabi niya na natatawa.

"Okay lang, mabango pa rin hininga mo kahit di ka pa nagto-toothbrush,"
sabi ko, dahilan para mamula ang pisngi niya.

Ayyyiiieee, kinikilig siya!

"Ano ba,"
pabebe niyang sita sa akin.

"Sunday ngayon, baby ko. Simba tayo?"
aya ko.

"Oo, matagal na rin akong di pumupunta sa simbahan,"
sabi niya.

Lumabas na kami ng kwarto.
Ako, naupo sa sala at nanood ng pelikula.
Siya naman, nasa kusina at naghahanda ng makakain bago kami pumunta sa simbahan.

Nang natapos na, kumain na kami.
Pagkatapos, nagligpit kaming dalawa.

RIO POV

Nandito na kami ni Jhon sa labas ng simbahan, papasok na.

Nagdasal, kumanta, at sumabay sa misa.

Sa huli, nagdasal ako nang tahimik.

Nagpapasalamat ako dahil nahanap ko na ang taong nakalaan para sa akin. Pinagpapasalamat ko ito sa Diyos.
Sana, hindi niya ako lolokohin.
Yun lang po, mahal na Panginoon.
Thank you sa lahat.

Pagkatapos ng misa, lumabas na kami, magkahawak kamay at parehong may malaking ngiti sa aming mga mukha.

Umuwi na rin kami para makapaghanda na para sa pasok sa school.

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon