RIO POV
New life, new journey ika nga nila.
Disisyon mo, panindigan mo.
Hi sa inyo!
Sana binabasa nyo pa 'to hahahaha. Kung hindi, kawawa naman si author.
So, heto ako ngayon sa recording studio.
Bakit ako nandito?
Aba, malay ko! Hahahaha. Joke lang!
Sa mga hindi nakakaalam:
Singer-composer na ako dito sa US!
I am one of the famous teen singers.
Why famous?
Because with just one song I released composed by me, nakakuha agad ako ng 8 Grammy Awards in one night.
Rare yun para sa isang teen singer!
I perform in different places.
"Dada! I'm hungry..."
May narinig akong maliit na boses sa likod ko.
Paglingon ko, nakita ko ang anak ko nakapout, isang kamay hawak ang tiyan, at ang isa ginamit para yugyugin ako.
Nagtataka kayo kung sino siya?
Siya lang naman ang anak ko, si Andrie.
Oo, anak ko.
Kung naaalala ninyo ang past ko na nabuntis ako, edi wow, good memory sa inyo!
Kung hindi, mag-backread kayo hahaha.
Si Andrie, 4 years old na.
At ako? 19 na.
"Yes, baby! Patapos na 'to, konti na lang ha,"
paglalambing ko sa anak ko.
Syempre, di maikakaila na gwapo ang anak ko kahit di pa matured, makikita mo na agad.
"Yes, dada!"
sabi ni Andrie na sobrang saya.
At natapos na nga ang recording.
Lumabas na kami at pumara ng taxi.
"Take us, mister, to the nearest restaurant,"
sabi ko sa taxi driver.
Nag-yes lang siya at umandar na kami.
Habang nasa biyahe, naisipan kong i-text si Zander.
Sino siya?
Siya lang naman ang lalaking pinakasalan ko.
At super close kami.
At nandito na nga kami sa restaurant, kaka-order lang namin
"Hi, beh,"
sabi ng lalaki na biglang nasa likod ko.
Paglingon ko, si Zander pala.
"Oh, beh, upo ka na,"
aya ko sa kanya.
Ang alam ni Andrie, si Zander ang ama niya pero hindi yun ang totoo.
Kung naaalala ninyo...
Yan ang anak namin ng...!!!
Ayokong sabihin ang pangalan niya. Nakakasuka.
Isinusumpa ko na magdudusa siya.
Natapos na kaming kumain.
Nagyaya si Zander na pumunta sa isa sa mga sikat na park dito sa US Butterfly Park.
...
At nandito na nga kami.
"Look, dada! It's too many butterfry!"
sabi ng baby ko. Hindi pa siya masyadong magaling magsalita.
"You want to go there?"
tanong ko, sabay turo sa fountain na punô ng paro-paro.
"Yesh, dada!"
magiliw na sagot niya.
At pumunta na nga kaming tatlo doon.
Laro dito, laro doon.
Tawanan dito, tawanan doon.
At sa sobrang pagod, umuwi na rin kaming tatlo.
Pagdating sa bahay, naligo na kami at nagbihis.
Binigay ko muna kay yaya si baby Andrie para patulugin na.
Pumasok na ako sa kwarto namin.
Oo — namin.
Magkasama kami ni Zander sa isang kwarto.
Noong una, naiilang pa ako lalo na nung buntis pa ako pero nasanay na rin ako. Super close na nga kami, jeje.
"So, anong balita sa trabaho mo?"
tanong ko kay Zander.
"Maganda naman, pero..."
bigla siyang parang nag-aalangan kung sasabihin ba niya o hindi.
"Hmm? Ano yun?"
tanong ko na curious.
"About sa business... may proposal kasi si Dad sa ilang kasosyo sa Pilipinas,"
sabi niya.
"So? Ano naman ngayon?"
tanong ko.
"Yun na nga... kailangan akong pumunta. At nung nalaman ng Dad mo na pupunta ako sa Pilipinas para sa proposal, for about 1 month..."
Pinutol ko agad siya.
"1 month? Ang tagal naman!"
sabi ko.
"Yun na nga... kaya sabi ni Dad sumabay na daw kayo ni baby, namimiss ka na daw nila pati si baby bunso,"
sabi niya.
Pinag-isipan ko ng mabuti.
Tutal, doon ko na isasagawa ang paghihiganti ko sa lalaking yun.
"Okay. Sasama kami sayo. Namimiss ko na rin sila,"
sabi ko, nakangiti kay Zander.
Bigla niya akong niyakap.
"Bakit ang cute mo?"
tanong niya.
Kung nagtataka kayo nililigawan ako ni Zander. Hahaha. Now you know!
"Bakit? Ang gwapo mo rin naman!"
tanong ko pabalik.
Nagkatitigan kami saglit... at nagtawanan bigla.
At sa sobrang pagod, nakatulog na kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fanfiction"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
