CHAPTER 3

9.3K 239 6
                                        

Jhon

Nandito kami ngayon sa bahay, nag-iinuman kami ng barkada ko.
Hanggang ngayon, di ko pa rin maisantabi yung bading na yun... ano nga pala pangalan niya?
Ah!! Oo, si Rio pala.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Siya lang na bading ang nangsumbat sa akin.

"O, parang ang lalim ng iniisip mo ah,"
sabi ni Niko.

"Oo nga,"
sabi naman ni Jimboy.

"Wala, iniisip ko lang si Rio... yung baklang nangsumbat sa akin,"
sabi ko, medyo naiinis.

"Hindi kaya nagkakagusto ka na sa kanya?"
natatawang sabi naman ni Smith.

"Hindi ah! Kadiri kaya!"
sabi ko.

"Kung hindi mo siya gusto..."
panimula ni Jimboy, tapos nagbulungan silang tatlo.

"Heto, paibigin mo siya sa'yo,"
sabi ni Jimboy.

"Ano?!!!"
tanong ko, nagulat.

"Hep hep! Di pa kami tapos,"
sabi ni Smith.

"At pagkatapos, pag na in-love na siya sa'yo... ilaglag mo siya hanggang umiyak siya sa harapan mo,"
sabi ni Niko.

"Anong makukuha ko pag nagawa ko yan?"
tanong ko.

"500k,"
sabi nilang sabay-sabay.

Inom dito, inom doon... hanggang sa natulog na kami.

Kinabukasan...

Nandito na kaming magkaka-barkada, at ngayon ko na gagawin ang plano.
Nakita ko siya, kasama si Josh. Masaya silang nagtatawanan.

Lumapit na kami, tapos nag-hi kaming lahat.

Pumula ang mukha ni Rio at nakatingin sa akin.
Parang mapapadali yata ito... mukhang may gusto nga siya sa akin.

Pagkatapos nun, pumasok na kami sa classroom.

Recess...

"Ngayon na. Galingan mo,"
sabi ni Jimboy habang papunta sila sa canteen.

Pumunta kami sa canteen, bumili ng pagkain, tapos dumiretso kami sa upuan nila Rio.

"Pwedeng makitabi?"
sabi ko.

"Pwede naman,"
sabi ni Rio na parang walang pakialam.

Kumain na kami. Biglang nagsalita si Smith:

"Anong gagawin niyo bukas? Total Sabado naman,"
tanong ni Smith.

"Wala," sagot ni Josh, parang wala kasing gana sumagot si Rio.

"Good! Sama kayo sa resort namin, libre ko lahat. Birthday ko kasi,"
sabi ni Smith.

Ow! Birthday niya pala... nakalimutan ko yun hahaha.

"Pwede naman,"
sabi ni Rio, sa wakas nagsalita rin.

"Great! So, ano, susunduin na lang namin kayo?"
sabi ni Smith.

"Akin ang mga number niyo para ma-text namin kayo,"
sabi naman ni Niko.

Kinuha ni Josh ang phone at tinype ang number niya. Kinuha naman ni Rio at ginawa rin.

"So... friends?"
tanong ni Smith. Alam kong ginagawa niya ito para mas mapabilis ang plano.

"Friends!"
sabi nila sabay-sabay.

Nag-usap-usap pa kami. Of course, sumali ako sa usapan.
Nalaman ko na black and white ang favorite color ni Rio, at winter ang paborito niyang season.
At marami pang iba. Tapos, sabay-sabay na kaming pumasok ulit sa classroom.

Nandoon na si Sir Sebastian.
May activity daw, dapat dalawahan.
Nakita ko agad si Rio, siya lang kasi ang walang kapartner. Kaya lumapit na ako sa kanya.

"Wala kang kapartner?"
tanong ko.

"Wala,"
sabi niya, nakanguso.

Hahaha! Ang cute niya ah...
What?! Cute??? Erase, erase!

"Ako na lang. Wala din akong kapartner,"
sabi ko.

Rio's POV:

Wala akong kapartner, pero lumapit si Jhon at tinanong kung may kapartner na ako.
"Wala," sabi ko, kaya kami na lang ang magkapartner.

Binigay ni Sir yung activity, maraming kailangan i-research at ipapasa next Monday.

"So... anong gagawin natin?"
tanong ni Jhon.

"Sa bahay na lang natin gawin to,"
sabi ko. Wala na rin akong magawa, kasi di ako nakapaglinis ng dorm, nakakahiya kaya... kaya pumayag na lang ako.

"Saan ba bahay ninyo?"
tanong niya.

"Sa kabilang subdivision,"
sabi ko.

"Sa Lea Subdivision?"
tanong niya. Kasi sa pagkakaalam niya, doon nakatira ang mga mayayaman.

"Oo, doon nga. Susunduin na lang kita mamaya, diba sa dorm ka nakatira?"
tanong niya.

"Oo, doon ako nakatira,"
sabi ko.

Pagkatapos nun, umuwi na kami.

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon