Rio POV
"Mom! I'm going to school!"
Sigaw ni Andrie mula sa pinto habang nagmamadaling nag-aayos ng bag.
Nakita ko si Jhon na nakangiting lumapit at mabilis akong hinalikan sa labi.
"Punta na kami ni Andrie, mahal," sabi niya, ramdam ko ang lambing sa boses niya.
"Sige, mag-iingat kayong dalawa," sabi ko habang hinahaplos ko ang braso niya.
Minsan talaga sinasabay ni Jhon si Andrie papunta sa school para makapag-bonding silang mag-ama.
Pagkababa kay Andrie sa Rafael National High School, diretso na si Jhon sa kompanya niya.
Opo, sa public school nag-aaral ang anak namin.
Ayaw na ayaw sana ni Jhon dati, gusto niya sa private, para raw mas secured at "mas maayos ang sistema."
Pero ako mismo ang tumutol.
At sinabi ko sa kanya:
"Pag di mo ako sinunod, sorry ka na lang, walang lovey-dovey sa gabi."
Ayun, agad naman siyang tumalima.
Alam mo na, mahirap na raw kung walang silbi ang kanyang putotoy — hahaha!
(Hay naku, asawa ko talaga.)
High school na si Andrie ngayon.
Ang bilis ng panahon.
Parang kailan lang, baby ko lang siya na palaging nakabuntot sakin kahit saan.
Naalala ko rin si Chris, anak nina Xander at Sandria.
Kasing-edad lang halos ni Andrie, 5 si Chris noon, 4 si Andrie.
Lagi silang magkasama dati, parang magkapatid na.
Pero biglang nawala sa eksena, nag-migrate sa Amerika ang pamilya nila.
At simula noon, ni text o tawag, wala akong natanggap.
Kahit balita kung babalik pa ba sila dito wala.
Minsan iniisip ko: baka ayaw na talaga nilang bumalik.
O baka... may rason.
Triiiinnnggggg...
Nag-ring bigla ang cellphone ko.
Unknown number.
Napakunot ang noo ko.
Pero sumagot na rin ako.
"Hello?" tanong ko, medyo alanganin ang tono.
"Hello... Rio?"
Malalim na boses, parang pamilyar.
Kinabahan ako bigla.
"Sino 'to?" tanong ko, medyo nag-aalala.
"Si Xander 'to..." sagot niya.
Parang biglang huminto ang tibok ng puso ko.
"Xander?" sabi ko, halos pabulong.
Di ko alam kung matutuwa ako o matatakot.
"Oo... um... nandito na kami ni Sandria sa Pilipinas. Bumalik na kami... kasama si Chris."
Nanlaki ang mata ko.
Hindi ko inaasahan 'to.
Pagkatapos ng halos isang dekada, bigla na lang silang magbabalik?
"Bakit kayo bumalik? Anong... anong kailangan mo?" tanong ko, medyo nanginginig ang boses.
Tahimik siya saglit.
Tapos biglang nagsalita, mabigat at seryoso:
"Gusto kong makita ulit si Andrie... at may kailangan akong sabihin sayo... tungkol sa nakaraan. Tungkol kay Chris... at... kay Andrie."
Parang biglang nanlamig ang katawan ko.
May kung anong kaba at takot ang bumalot sakin.
"Anong ibig mong sabihin, Xander?"
Pilit kong pinakalma ang sarili ko, pero ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.
"Magkita tayo mamaya, Rio. Hindi ko pwedeng sabihin sa telepono. Importanteng-importante 'to... please."
Hina ng boses niya, pero ramdam ko ang bigat.
Tumigil ako.
Huminga ng malalim.
Tumingin sa pinto kung saan kanina lang lumabas si Jhon at Andrie, masaya.
"Sige... saan tayo magkikita?"
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fiksi Penggemar"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
