Rio POV
Napalaki ang aking mga mata at napangiti, pero kasabay nun, nagpantig din ang tenga ko dahil sa lakas talaga ng boses ng babaeng ito sa tawag
"Baaakkkkss!!!!! Mamasyal tayo ngayon!"
Grabe, parang wala talagang nagbago.
"Josh! Ang lakas talaga ng bunganga mo! Okey fine, asan ka ngayon?"
Tanong ko, habang nilalapit ko ang cellphone sa tenga ko at inikot ang mga mata ko, parang naririnig na ng buong bahay yung sigaw niya.
"Dami mong sinabi, pupunta din naman!"
Sagot niya, may halong tawa.
Sinabi niya kung nasaan siya ngayon, sa Rafael Mall. Kaya dali-dali akong nagbihis.
Habang nag-aayos ako sa harap ng salamin, napatingin ako sa sarili ko.
Napangiti ako ng konti kahit may ilang guhit na ng edad, fresh parin ang lola mo.
At naisip ko:
"Kahit may asawa't anak na tayo, dapat maglaan pa rin ng oras para sa kaibigan. Lalo na kay Josh na halos kababata ko na."
Kinuha ko ang bag, sinigurado kong dala ko ang wallet, cellphone, at konting lipstick retouch kit.
Sumakay na ako ng taxi papunta sa Rafael Mall.
Andrie POV
Hi! Ako nga pala si Andrie Peralta pero pwedeng Andrie na lang.
Huwag lang Drie ha? Kasi si Chris lang ang may karapatang tumawag sa akin ng ganun.
Naaalala ko pa dati, ang lambing ng boses niya kapag tinatawag niya akong Drie.
At ako naman, Chris lang talaga ang tawag ko sa kanya.
Para kaming may sariling mundo noon, kahit bata pa kami.
Pero umalis sila...
At ang masakit, ni hindi man lang nagpaalam si Chris sakin.
Ang sakit kaya no'n, kahit bata pa ako noon ramdam ko yun.
(Eh pano kung bumalik sya sayo?)
Biglang narinig ko yang tanong na yan sa isip ko, parang boses ng author natin na makulit.
Huh?! Pinagsasabi mo author?
Saglit akong natawa, pero sineryoso ko rin ang tanong.
(Eh, pano nga?)
Napabuntong-hininga ako.
"Edi... magiging masaya ako. Pero... I doubt na makikilala pa niya ako. Ang tagal na nun eh."
Pero tama na nga muna ang drama.
Malelate na ako sa first subject!
Binilisan ko na lang ang takbo papunta sa classroom.
Pagdating ko sa room, buti na lang at hindi pa nagsisimula si Ma'am.
Huminga ako nang malalim, at umupo sa upuan ko.
At kahit paano, napangiti ako.
Pero, sa likod ng utak ko...
"Chris... nasaan ka na kaya?"
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fiksi Penggemar"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
