CHAPTER 1

4.5K 124 3
                                        

RIO POV

"Yaya, pakitignan nga si Andrie sa taas. Pakisabi na kakain na tayo,"
utos ko kay yaya Inday.

"Opo, Ma'am," sagot niya.
Oo, Ma'am ang tawag nila sa akin gusto kasi ni Xander na ituring akong babae, ang prinsesa raw ng buhay niya. Hinayaan ko na lang.

Heto ako ngayon, isang tinitingalang singer at song composer. Pero nag-leave muna ako ng isang buwan para maalagaan ko naman ang anak ko. Kasi, simula nang nagkaayos-ayos kaming lahat, umalis ako agad papuntang States para sa singing career ko, at naiwan dito si Andrie para mag-aral.

Aaminin ko, mahal ko na talaga si Xander... pero mas matimbang pa rin, kahit konti, ang pagmamahal ko kay Jhon.
Pero wala na eh. Walang forever sa first love, pero sa second love, meron.

"Morning, Papa," sabi ng anak ko sabay halik sa lips ko.

"Morning too, baby. Sige, kain na tayo baka ma-late ka pa," sagot ko.
Medyo tumatangkad na si Andrie, 15 na siya, grade 10 na. Pero kahit ganun, binibaby ko pa rin yan.

Alam kong may kakaiba sa mga kilos ni Andrie.
At kung totoo ang hinala ko na bading nga siya, wala na akong karapatan para kuwestyunin 'yon, kahit ako pa ang magulang niya.
Dapat ang magulang, ginagawa ang lahat para sa ikasisiya ng anak nila.
Eh kung masaya siya sa ganyan, susuportahan ko.

Habang kumakain kami, napansin ko na medyo tahimik siya.

"Are you staying here for good, Papa?" tanong niya bigla.

"No baby, just for a month lang," sagot ko.
Sumimangot naman ang mukha niya kaya tinapik ko ang balikat niya.

"Pero don't worry," sabi ko, "I'll make sure na yung time ko at time mo, may perfect bonding tayo for just a month. Mamamasyal tayo kahit saan mo pa gusto."
Lumiwanag ang mukha niya at ngumiti.

Kasabay naming kumakain lahat ng trabahador dito sa bahay, pero iba yung table nila. Pero sa totoo lang, tinuturing na naming silang kapamilya.

Natapos na kaming kumain. Pinaghanda ko na si Andrie para kunin ang mga gamit niya sa kwarto, mga kailangan niya sa school.
Ipapahatid ko na lang sana siya kay Kuya, pero biglang nag-ring ang phone ko. Unknown number.

Kinuha ko at sinagot.

"Hello?"

"Hoy, friend! Si MJ 'to. Bagong number ko. Bonding naman tayo, ang tagal na nung huli kitang nakasama," sabi niya sa kabilang linya.

"Okey, sige. Ako na lang maghahatid kay Andrie sa school, tapos magkita na lang tayo dun," sabi ko.

"Sige, I'll wait for you there," sagot niya, sabay baba ng tawag.

"Tayo na, anak. Ako na maghahatid sa'yo sa school, may pupuntahan lang ako pagkatapos," sabi ko kay Andrie habang bumababa siya sa hagdan.

"Okey po, Papa," sagot niya.
At hinatid ko na siya sa school nila.


Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon