Chris POV
Putek.
Bakit ko nasabi yun?
Bakit ko siya sininghalan nang ganun?
Nang makita ko yung mukha niya nagulat, nasaktan, at nagtaka parang may tumusok sa dibdib ko.
Pero... kailangan ko. Kailangan ko munang magpakatigas.
Bakit kamo?
Kasi natatakot ako.
Takot akong baka pag lumapit ako ulit, masaktan lang kami pareho.
Takot akong baka hindi na siya yung Andrie na kilala ko noon... o baka hindi ko na siya kayang mahalin katulad ng dati.
Pero ang totoo, nung una ko siyang nakita kanina... gusto ko siyang yakapin.
Gusto ko sanang tumakbo at sabihing:
"Drie, na-miss kita! My labs!"
Pero pinigilan ko.
At ito yung lumabas, galit, yabang, at sakit.
Andrie POV
"Hindi ka ba titigil huh! Bakla ka na nga! Makulit ka pa! Lumayo ka sa akin! Nakakadiri!"
Paulit-ulit yung linya niya sa utak ko.
Parang kinayod yung puso ko.
At di ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umiyak.
"Ano'ng nangyari sayo, Chris? Di ba ikaw yung nagsabi dati na kahit sino pa ako, mahal mo pa rin ako? Bakit ngayon... bakla lang pala ako para sayo? Nakakadiri na pala ako sayo?"
Napakapit ako sa mesa.
Pinilit kong ngumiti para kunwari wala lang.
Pero ang sakit, tangina.
Ang sakit.
Chris POV
Naupo ako sa kabilang row.
Pakiramdam ko, ang bigat sa dibdib.
Parang gusto kong bumalik sa tabi niya at sabihing:
"Sorry, Drie... hindi ko sinasadya. Hindi talaga kita kayang pandirihan..."
Pero pinili ko na lang manahimik.
Pinili kong maging duwag.
At sa gilid ng mata ko, nakikita ko siyang nakayuko... hindi na siya nakangiti.
At ang tanga ko, dahil ako yung dahilan kung bakit nawala yung ngiti na yun.
Andrie POV
"My labs... kung totoo man na ayaw mo na sakin, edi fine."
"Pero wag mo namang sabihing nakakadiri ako..."
Napatitig ako sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Yun dapat yung para sa kanya.
Pero pinili niyang lumayo.
Chris POV
"Sorry, Drie... pero hindi pa ngayon. Hindi ko pa kaya..."
Pero sa isip ko lang yun.
At sana marinig nya kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fanfiction"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
