CHAPTER 5

2.9K 118 4
                                        

XANDER POV

"San ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang?"
Nagulat ako nang makita ko si Rio, nakaupo nang prente sa sofa, naka-cross arms, at nakatitig nang matalim.

"Ah... hmm... sa ano, sa kompanya... dahil nga sa meeting," palusot ko.

Tumayo siya mula sa sofa, nag-cross arms ulit at ngumiti, pero halatang sarcastic.

"Ahh! Sobrang haba naman ng presentation ng employee mo. Nag-start ng 7... natapos ng 8 PM?"
Tinig pa lang niya, alam kong galit siya pero pinipigilan.

Kinabahan ako.
Oo, kasama ko nga kanina sina Sandria at Chris, ang pamilya ko noon.
Mahal ko si Sandria bilang ina ng anak ko... pero mas mahal ko si Rio.
Ang totoo? Hindi anak ni Jhon si Chris.
Ako ang ama niya.

Nabuntis ko si Sandria bago pa sila magtalik ni Jhon.
Para makasiguro, pina-DNA test namin si Chris noong Grade 2 pa lang siya, at positive nga: ako ang ama.
Pero para kay Chris, "Tito Xander" lang ako... dahil yun ang mas ligtas para sa kanya.
Hanggang ngayon, nililihim pa rin namin ni Sandria ang lahat, pati kay Rio.
At oo, guilty ako, dahil mahal ko si Rio pero may ganito akong tinatago.

"Pagod ako, hon... tulog na lang muna ako. Bukas na lang natin pag-usapan, ha?"
Sabi ko, sabay akyat sa hagdan, diretso sa kwarto.

Nagpalit ako ng pantulog, dumapa sa kama, at pilit ipinikit ang mga mata ko.
Pero totoo, di ko alam kung paano ko haharapin ang katotohanan pag nalaman ni Rio ang lahat.

RIO POV

Nanatili ako sa sala, nakatitig lang sa hagdan.
Uminom muna ako ng tubig sa kitchen, tapos umakyat na rin ako.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, nakita ko siya, nakadapa, tahimik, parang walang tinatago.
Pero kilala ko si Xander.

"Bakit kayo magkakasama nina Sandria... at kasama pa si Chris, anak ni Jhon?"
May tinatago ka ba, Xander?

Kung meron man...
Malalaman ko.
Walang lihim na di nabubunyag.

Lumapit ako sa lamesa, kinuha ko ang phone ko.
Bumaba uli sa sala, umupo, at dinial ang number ng private investigator ko si Rex.

Nag-ring...
Salamat, sinagot niya agad.

"Hello."

"Hello, sino po sila?"

"Ako 'to... si Rio," sagot ko, malamig ang tono.

"Anong maipaglilingkod ko, sir?"

"May ipapaimbestiga ako. Alamin mo kung ano ang koneksyon ni Xander sa pamilya ni Jhon — sina Sandria at Chris. As soon as possible, Rex."
Seryoso kong sabi.

"Okey po, sir. Right away."

"Salamat."
Sabi ko, sabay baba ng tawag.

Bumalik ako sa kitchen, uminom pa ng tubig.
Huminga nang malalim.
Pagbalik ko sa kwarto, tinabihan ko si Xander sa kama.

Tinitigan ko siya habang tulog.

"Ano ba talaga ang koneksyon ninyo, Xander? Malalaman ko din yan..."

Ako ang baklang minsang tinalikuran, pero bumangon at napatunayan ko na kaya kong pabagsakin ang dapat pabagsakin.
Kung hindi nyo pa rin sasabihin ni Sandria ang totoo, ako mismo ang magbubunyag ng lihim nyo.

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon